Summer, halos buong buwan ng Mayo ay napakainit; walang magawa sa bahay kundi ang mag-internet,comment,like,share; at pag boring na,pag-aaral at pagbabasa ng libro ang ginagawa ko.Nahubog na kasi ang ulo't mga mata ko sa pag-aaral simula pa noong elementary ako. Lagi kong napeperfect ang mga test at ako palagi ang top 1; di ko pa nararanasang maging top 2 o kaya ang di mapabilang sa top 10. Ito ang ginagawa ko dahil takot akong maagaw ang korona ko bilang top 1. Ngayong Hunyo kasi,mag hi-highschool na ako. Kahit napakalaki man ang lamang ko sa Top 2 namin noong Grade 6,hindi pa rin ako sigurado na ako ang magiging top 1 pagdating sa highschool dahil maraming magagaling na estudyante mula sa iba't-ibang paaralan; pero kahit anong galing ko o katalino o kabait o katalentado, hindi pa rin kuntento ang mommy ko dahil nga, nagpapanggap akong tomboy;
Hindi naman dahil sa mahilig ako sa mga babae pero naiinis lang ako sa kanila dahil lagi nila akong binu-bully. Dahil sabi ng marami,maganda raw ako at marami din ang nagkaka-crush sa akin kaya lagi akong pinag-tsitsismisan ng mga babaeng inggitera. Dahil sawang-sawa na ako, sinubukan kong sumuot ng damit na "losyang" at ng mga damit na panlalaki para maiwasan ko ang gulo at mahahabang pila ng mga lalaki sa pintuan ng classroom; at dahil nga doon,ay nakasanayan ko na at nauwi sa pagpapanggap bilaang tomboy.Noong una ay inilihim ko sa mommy ko pero nalaman din niya. at dahil din sa pagpapanggap ko,nabawasan ang mga kaibigan ko,lalo na yung mga babae. kaya ito, puro mga lalaking makukulit ang mga kaibigan ko, yung mga mahilig manligaw sa tuwing may makikitang magandang babae; ako lagi ang pinapagawa nila ng love letter dahil nga,matalino ako. 2 sa kanila ang naging ka close ko, sina Alex at Vince. Naging ka close ko sila dahil ako ang dahilan kung bakit napalapit sila sa crush nila. Si Sophie ang crush ni Alex at si Avery naman ang nasa kay Vince.; at dahil doon, unang beses kong nagkaroon ngkaibigang babae, bilang babaeng nagpapanggap na tomboy.
Ako ang nag-iisang anak nina mommy at daddy. Isang lawyer ang mommy ko at architect naman ang daddy ko. Pero hiwalay na sila; kaya muntikan na akong maging top 2 noong grade 4 ako dahil sa pangyayaring iyon.May plano dating makipagbalikan si dad kay mommy pero, di siya mapayawad ni mommy. Hanggang ngayon, di ko pa rin alam ang dahilan ng hiwalayan nilang dalawa. Ang titigas kasi ng ulo nila. Ayaw na ayaw nila akong idamay. Kaya parang nagi- guilty ako na naging ganito ako, kaya nagsisikap ako sa pag-aaral para maging proud si mommy pero minsan niya lang akong kinakausap. Wala namang saysay ang pagiging matalino ko kung hindi niya ako matatanggap,pero,wala na talaga,----mas kina- carrer ko na ang pagpapanggap ko bilang tomboy.
Nakatulog ako sa pagbabasa, halos na memorize ko na ang lahat ng libro. Bukas na nga pala ang first day of school. Hoooo!!! excited na ako!! at di makatulog....makikita ko na naman sina Alex,Vince,Sophie at Avery. Sana naman maging kaklase ko sila. Pero ang kinaiinisan ko lang,ang pagsuot ng palda, maikli pa naman, hanggang tuhod lang at may mahabang medyas pa. Si mommy kasi eh, dito niya ako ipinasok. Hindi naman Korean/Japanese school ang WBA. Siya nga pala, sa West Bridge Academy ako mag- aaral. Dito ako ipinasok ni mommy dahil akal niya, ihihinto ko ang pagiging mapagpanggap kung ganitong uri ng uniporme ang susuotinko. Sana. marami akong magiging kaibigan.....haaayyyyy,,,, bahala na si Batman........