Lesson 1:Getting to know each other

491 10 6
                                    

Clarissa's POV

Hello! ako nga pala si Clarissa Del Monte C.Lopez, isang babae na walang pakialam tungkol sa pag-ibig,Hindi naman ako isang Love hater..Wala lang talaga akong interest..Pag-aaral lang ang nasa isip ko ,atsaka ayoko bigyan ng problema ang mga magulang ko.Laging sinasabi ng iba na maghanap na raw ako ng boyfriend, pati ang aking bestfriend sinasabi yun..

2nd year highschool na ako ngayon, at wala pa ring boyfriend.(Well wala naman akong pakialam dun.)Pag aaral lang muna ang inaatupag ko ngayon.Gusto ko na makatapos ng pag aaral para makatrabaho na ako.Yan lang ang tanging hiling ko...Araw-araw nagsusumikap ako na pumasok sa school kahit na minsan ay nakakatamad na.Pero sabagay, nandyan naman ang mga kaibigan ko na sina Sabrina, Sophie, Veronica kaya nawawala ang stress ko.Mas sumasaya sa school dahil sila ang mga kasama ko.Kaya araw-araw puro kabaliwan lang ang ginagawa namin kaya dapat BALIW girls na ang itawag sa amin..^______________________^

B-Beautiful

A-Adorable

L-Lovely

I-Intelligent

W-Wise

Oh diba galing ko noh?

Walang kontrahan to ha?

Kapag may kumontra...Tadyak mula sa isang kalabaw na nilusaw sa putik ang abot nyo.^___^

Sorry lang ^______^v

............

Tuwing aalis sa bahay lagi kong makakasalubong ang mga kaibigan ko..Sama sama kami pumupunta sa school.Sabay rin kami umuwi, parang magnet no? pero natural lang yan sa amin.

....

"Clarissa!" narinig ko mula sa likuran ko

"B-bakit?" natauhan ako at lumingon, si Sabrina lang pala.Sa lahat nga naman ng nakilala ko si Sabrina na yata ang may Napaka WAGAS na Sigaw..Bonggang bongga right through in my eardrums BASAG! pati english BASAG!!

"Kanina pa kita tinatawag."-Sabrina

"Bakit ba?" I curiously asked..Wow english...

"Nagtanong ka pa..Malapit na kaya magsimula ang klase, at wala pa tayo dun.Naku! ayoko malate!?"sabi ni Sabrina sabay hila sa akin at dali-dali kaming tumakbo

"Ay, ganun ba? sige pasok na tayo, nakakarinde na kasi eh =___="sabi ko sa kanya habang tumatakbo rin

"Tch..Ano nanaman ba ang nasa isip mo na hindi mo na malayan na tinatawag na kita?"-sya

"Ahm..Wala lang..Hehe ^____^" ang totoo iniisip ko lang kung anong mas masarap, Carbonara o Lasagna..Natripan ko lang..Hehe..

"..........=_____=..........."-sya

"May problema ba?"

"Wala, pumasok na nga lang tayo malate pa tayo eh"-sya

At pagpasok namin, umupo na kami. Kaming dalawa lang...Kasi wala si Sophie at Veronica, Malamang kaya dalawa lang kami diba?(corny no?)...Haaay nababaliw na ako..Basta wala dito sina Sophie dahil nasa kabilang seksyon sila..Gets?XD

Halos wala kaming kakilala sa seksyon namin, kaya kami nalang ni Sabrina ang nag-uusap. Kadalasan kasi lagi kaming magkakasamang apat sa isang seksyon, nakakapanibago nga eh.At habang natripan naming magusap ni Sabrina...Dumating na ang aming adviser, at si Sr. Steve yun.Paano ko nalaman? Ganito yun,adviser rin namin sya dati, magaling magturo at hindi nakakaantok mag lecture, at laging tinitilian ng Sabrinang katabi ko...At hindi lang sya.Halos lahat ng babae dito...Paano nga namang hindi ka aantokin eh halos lahat na ng babae dito tinitilian sya....Haaay....

Learning How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon