I'm in!

622 6 0
                                    

Naalimpungatan niya nag sunod sunod na katok sa kanyang kwarto nakatulog pa sila matapos ang nakakapagod nilang habulan ni Zarech. Tuloy napapangiti siya habang inaalala ang mga nangyari sa kanila simula ng sumama siya dito. Sinuklay lang niya ng kanyang daliri ang kanyang buhok. Kung noon pag gumigising siya daig pa niyang nasabugan ng dinamita sa sobrang gulo ng hitsura ngayon napakaaliwalas na ng kanyang mukha. “Pagbalik ko sa Manila ipapatapon ko na lahat ng make up ko at talagang magpapasa na ako ng resignation letter kay Kadiliman. End Contract kumbaga.” Natatawa naman siya sa mga naiisip niya.

Pagbukas niya ng pinto nakasandig ang braso ni Zarech sa hamba nito. “Grabe kung sa bawat pagbubukas ko ng pinto ganito ang makikita ko parang gusto na lang maging tagabukas ng pinto. Shucks ang gwapo niya!” Nakasuot lang ito na blue tshirt at faded pants. Wala siyang mahagilap na sasabihin dito. “And that eyes grabe nakakahaling tingnan.”

“Wow ha kinacareer mo talaga nag sinabi kong bagay sa iyo ang walang make up. I remembered nung una kitang makita parang gusto ko na lang na tumakbo palayo. No offense meant pero para kang mangkukulam,” natatawang sabi nito.

“Don’t worry nag email na ako ng resignation letter kay Taning ipapafax na lang niya ang sagot niya. Oha! Sosyal! Nahawa na ako kay Cielo. Miss ko na ang bading na yun.”

Natatawa lang ito sa kanya. “Speaking of him slash her, tumawag siya kanina kinukumusta ka sabi ko nagbalik loob kana kaya di na kailangang siyang magpaalala pa.” Sabay pa silang nagtawanan. Sumabay lang sila ng meryenda sa mga bata saka sila namaalam sa mga ito.

Habang nasa daan sila walang humpay pa rin ang kanilang kwentuhan na para bang ang tagal na nilang magkakilala at ngayon lang ulit nagkita.

“So panu at saan mo nalaman ang tungkol sa foundation?” Tanong niya dito.

“One of my friends was the founder of the foundation. Highschool pa lang kami tumutulong na talaga kami sa kanya hanggang sa dumami na ang aming mga naampung bata.”

“Ganun ba?” Tumango lang ito sa kanya. Siya naman ay biglang natahimik na parang nakalunok ng isandaang ahas.

“What’s wrong?” Nag aalalang tanong nito sakan itinigil ang sasakyan.

“Naisip ko lang maswerte pa rin tayo we have our family, our resources, lahat ng gustuhin natin kahit sa isang iglap pwede nating makuha. You know what habang pinagmamasdan ko sila kanina pakiramdam ko ang dami kong namiss nung bata ako,” malungkot na sabi niya.

“Tulad ng?”

“They were brave enough to face their current situation. Many of them wala silang mga magulang right pero you can see to their face na naovercome na nila ang lungkot by understanding why they lost they parents. Some of them tinalikuran sila ng kanilang magulang but they never stop growing and choosing the right path they want to be. They forgive easily to free themselves from hatred. Na hindi ko noon nagawa. Nakamove on na ang lahat pero ako nakakulong pa rin sa nakaraan.”

“Now I know kung bakit mabilis napalapit ang loob mo sa kanila it’s because you shared to their pain and you can easily understand what they were going through the whole time right? I’m happy finally nag open kana rin sa akin. Sabi na nga ba kaya ka ganyan kasi may pinagtatakpan ka. Take your time someday your broken heart will heal and you can forgive.”

Tumango lang siya ditto ngunit nagperno rin bigla ng may maalala siya sa sinabi nito. “Who told you that line?”

“Which one?”

“That I can heal my broken heart and I can forgive. Did someone told you that?” nagugulumihan niyang tanong dito.

“Ha? Anu bang sinasabi mo? Of course that line was mine. I hate plagiarism you know?”

“Ally napapraning kana? Baka naman coincidence lang kaw talaga?”

“Never mind. I’m sorry. Let’s go baka abutin pa tayo ng gabi sa daan,” seryosong sagot niya. Ito naman ay blangko lang ang ekspresyon ng mukha saka pinaandar ang sasakyan.

“Zac, panu ‘to wala pa tayong nakukuhang gitarista next week na ang concert natin,” nag aalalang tanong ni James ang drummer nila. “I contacted lahat ng mga kakilala ko pero may mga natanguan na rin silang gig at hindi na pwedeng ipostpone.”

“Pare may tatawagan lang ako ha, susubukan ko kung pwede siyang tumugtog sa atin.” Nagpakawala muna siya ng buntong hininga saka nag dial sa cellphone na hawak.

“Hi Ally. Busy ka ba?”

“Hindi naman masyado. Bakit?” sagot nito sa kabilang linya.

“You know how to play guitar right?”

“Yes. Why?”

“Pwede bang humingi ng favor. Pwede ka ba naming maging lead guitarist wala na talaga akong alam na ibang pwedeng lapitan. Di pwedeng mapostpone ang concert namin sold out na ang ticket at ayaw kong madisappoint ang mga bata. I made a promise for them. Sige na please pumayag kana.”

Umaalingawngaw sa utak ni Allyssa ang huling linyang sinabi ni Zarech sa kanya. “Ikaw na lang ang huling pag asa ko. Please I’ll do anything para lang makabayad sa iyo sa pabor na hinihingi ko.”

“Eh kung puso mo kaya ang hingin ko. Hahaha luka luka ka talaga Allyssa eh di namatay naman yung tao. Common sense nga Mare.”

“Ah basta pahihirapan ko muna siya para masaya.”

“Hoy Amo para kang timang dyan. Oh sumagot na si Taning approve na ang resignation letter mo. Wag kana raw babalik dahil baka daw tanggapin ka niya ulit,” saka nito itinapal sa noo niya ang report na dala nito.

“Aba baklush napapansin ko lately nagiging praning kana rin ha. Anung meron may dyowa kana?”

“Hay naku Amo ang bait bait nya at ang gwapo pa. Pakakasalan ko na ata siya.”

“Luka luka di ba engaged na tayo.”

“Eiww akala ko okay kana may sapot pa rin pala ang utak mo.” Nagtawanan na lang sila saka may tumikhim sa unahan nila. Si Zarech.

“Batsi na ako Amo. Hmmm fafables lalo ata tayong gumagwapo ngayon ah. Huuwaaat may bulaklak ka pang dala kay Amo. Amo ha, naglilihim kana. Abay ako ha,” kinikilig na sabi nito.

“Cielo sino yung poging naghihintay sa lobby dyowa mo ata,” nakangiting sabi ni Zarech dito sabay turo sa lalaki saka kumaway kay Cielo.

“Aba ang bading na yun talagang nakabihag nga ng tao ah,” sabi niya saka binalingan ang paper sa ibabaw ng table niya. Aware siya sa presensya ni Zarech kaya ganun na lang ang lakas ng tibok ng puso niya.

“Ehem. Talaga bang di mo man lang ako papansinin?”

“Uy andyan ka pala maupo ka. So anong maiipaglingkod ko sa iyo kamahalan?”

“Don’t use the word kamahalan kinakabahan ako eh. Di pa rin ako nakakaget over sa kape mo.”

“Okay. You may go now. Busy ako.”

“Kaw naman tampo agad. Flowers for you,” saka nito inabot sa kanya ang isang dosenang puting rosas.

“Thanks. Nag abala ka pa.”

“It’s okay. So nakapag isip ka na ba tungkol sa pabor na hinihingi ko. Sorry if I may sound in hurry nagigipit na talaga ako eh.

“Hay naku sabi na nga ba eh. Di naman ito nagbibigay ng bulaklak dahil gusto niya ako kundi may pabor siyang hinihingi. Ouch. Bigti kana ‘day.”

“Okay I’m in. Di naman kita matitiis eh.” Pagkarinig nun para itong bantang nagtitili saka siya niyakap ng mahigpit. Abot abot ang pasasalamat nito sa kaya na animo siya ang pinakaimportanteng tao dito.

“Talaga!”

Missing In Action (Clash of Car Drifter and Rockstar) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon