Mission Impossible; Escaping Pain

51 1 0
                                    

"Hah hah hah haaaay." Hingal na hingal akong tumigil sa pagtakbo. Tinignan ko kung ano ang nasa likod ko at may nakita akong bangin. Napakalalim na bangin. Nalula ako at bigla akong nahulog. Ang sakit ng likod ko. Pero parang mas masakit pa yung makita ko ang mga magulang ko, ang mga kaibigan ko, at ang boyfriend ko na pinagtatawanan ako habang ako iyak ng iyak at humihingi ng tulong.

"Tulong! Ma, Pa! Tulungan niyo ko! Chris tulungan mo ko! Bestie!" Sigaw ko. Pero parang wala silang nadidinig na kahit ano. Patuloy lang sila sa pagtawa. Hanggang sa may dumating na isang lalaki na iniaabot ang kamay niya sa akin. Kinuha ko ang kamay niya. Gusto ko sanang magpasalamat, kaso nung titignan ko na ang kanyang mukha, bigla na lang akong nagising. Panaginip lang pala ang lahat.

Tumingin ako sa bintana ng sasakyan ni Chris, boyfriend ko. Galing kasi kami sa isang reunion, ihahatid niya ko ngayon sa Condo ko pero parang iba ang daan na tinatahak namin.

"Chris, mali ata yung way. Ang alam ko sa kabila ang daan papunta sa Unit ko."

"Tama ang daan na 'to Sophia kaya pwede ba umupo ka na lang dyan ng maayos at wag makialam!"

Ngayon niya palang ako sinigawan ng ganoon, sinubukan kong intindihin siya kasi baka lasing lang siya. Nakainom kasi siya sa reunion kanina. Pero mali talaga yung daan eh.

"Uh, Chris m-mali talaga yung daan natin. Baka lasing ka lang, nakalimutan mo lang kung saan tayo pupunta."

"Hindi ako lasing tangina! Ano ba ha! Tamang daan to okay?!"

Hindi ko na kinaya ang mga sigaw niya at mangiyak-ngiyak akong nakipag agawan ng manibela sa kanya. Ayoko, hindi si Chris 'to. Hindi 'to ang boyfriend ko, isa itong halimaw.

Pilit niya pa ding inaalis ang kamay ko hanggang sa may dumaan na aso. Bigla na lang ako nakarinig ng *SCREEEECHHHHH at *BOOOOGSSSSH. Pagkatapos kong marinig ang tunog na iyon ay nagdilim na lang ang paningin ko. Oo, simula palang 'to ng kalbaryo ko. Pagkatapos ng aksidenteng iyon, nagbago na ang lahat. Nawala lahat ng mahalaga sakin, maging ang sarili ko ay nawala na din.

*******

© GirlsRockTheWorld

The following is a work of fiction. Any resemblance to persons living or dead is purely coincidental.

AN: Dedicated to my bestfriend! Hanggang ngayon natatawa pa din ako sa username nya! HAHA lol so yea, slow updates as in slow. Nakakapagsulat lang ako pag nasa mood at inspired minsan pag sinisipag. Sana suportahan nyo 'to at sana wag ko na 'tong idelete. Godspeed everyone xx 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission Impossible; Escaping PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon