G dragon's Princess [ ONE SHOT ]

238 5 3
                                    

Ako si Princess ang babaing may simpleng pamumuhay pero may mahirap na hiling... ang mahalin ng prinsipeng si G dragon . Dito magsisimula ang storya ko - namin . 

----------------------------------------------------------------

*hanap hanap* 

Asan na ba kasi yung lalaking yun? hmmp kanina pa ako hanap ng hanap di ko naman siya makita -_-*

Alam niyo po ba kung sino ang hinahanap ko?  Si Prince o  G dragon kung tawagin . 

Matagal ko na siyang crush at ewan ko kung crush nga lang ba talaga? Hindi ko din alam kung kelan ito nagsimula. Naramdaman ko na lang na importante siya at ayoko siyang mawala sa paningin o isipan ko . 

Nanlulumo akong bumalik ng room ko kasi napapagod na ako sa kakahanap . Hindi na nga ako naglunch kasi gusto ko siyang makita at marinig ang boses niya at ang pagtugtog niya ng violin . 

Napaka tahimik na tao si Prince pero marami ang nagkakagusto sa kanya hindi lang ako nu -_-*

Nakaka-asar nga kung  minsan kasi may mas nauuna na lumapit sa kanya . 

Hindi siya yung tipong magsusungit kapag may lumalapit sa kanya o nagbibigay ng kung anu-ano sa halip ay tinatanggap niya ito at ngingiti pa. Ang bait na tao anu po?? ^^

"bruha, anu na namang problema mo?" tanung sakin ni Patricia isa sa mga close friends ko. Alam niyang may crush ako kay Prince pero di niya ako pinipigilan kahit minsan umiiyak na ako sa harapan nila . Opo, umiiyak ako minsan ng dahil kay prince kasi may kasama siyang iba ibang babae . Selos  po ako nu >_<

"di mo nakita si Prince?" tanung naman netong si deanne na kaibigan ko din . Pag ganito kasi ako tuwing lunch ang ibig sabihin lang ay may nakita akong di kanais nais o hindi ko siya nakita . 

nag nod lang ako as an answer and i heard them sigh .  

"tssk , kahapon kanang ganyan , uso magpahinga teh" sabi ni Patricia na ngayon ay sumasayaw ng Crayon . Haysst mahilig talagang sumayaw ang babaeng yan . -_-

"oo nga, mamaya ma over fatigue ka pa sa ginagawa mo, here i bought you some snacks" she gave me sandwich and juice . 

"salamat sa inyo , oo nga siguro kelangan ko munag magpahinga"

Nginitian lang nila ako at saka ginawa ang kanilang pinag kaka-abalahan , Ang Kpop :) 

Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya dali-dali akong pumunta ng CR. siguro dahil sa pagpapalipas ng gutom . Tskk . 

Matapos mag Cr ay babalik na sana ako ng room ng marinig ko ang tunog ng violin sa isang room kung saan walang tao . dali dali akong lumapit doon at sinilip ang tumutugtog . Hindi ako nagkakamali si prince nga iyon :))

Nakangiti ako habang pinapakinggan ko siya . Ang sarap sa pakiramdam . Yung na achieve mo yung goal mo for today :D 

"kanina ka pa diyan?" hindi ko namalayang nakatingin siya sakin habang nakangiti . OMG nahuli niya akong nakikinig sa kanya . 

"huh? a-ako ba?" tinuro ko ang sarili ko at tumango naman siya . OH NO nakakahiya naman ituu . 

"come join me here" sabi niya ng nakangiti . 

Anung gagawin ko? tatanggi? papayag? what now?

"ah..." hindi ako makapagsalita , anung nangyayari sa bibig ko? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

G dragon's Princess [ ONE SHOT ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon