Eight Point Four *8.4

32 1 0
                                    

"Pare bahay ba talaga to?"

Nabigla ako pagkapasok namin sa loob. Mukhang Haunted House, ang gulo gulo sobra. Pero kompleto parin sa mga gamit, pag naayusan na to sigurado magmumukha na tong bahay.

"Ay Hindi gubat!"

"Mukha nga."

Pilosopo talaga! Nagtatanong lang kala mo naman ano. Tsk!

Nilibot namin yung buong bahay. Mejo may kalakihan naman sya at sapat lang para saming dalawa. May dalawang kwarto dito sakto para samin. Bawat Kwarto may Kubeta na. Pero sa labas meron din.

"Oh dito yung hawla mo Pareng Dercs."

"Osige, ako ng bahala dito."

"Okeps. Ikaw na lang mag ayos ha?"

"Sure! Oh pano pasok na ko."

"Ge, mag-ingat ka ha?"

"Oo na lang."

Pumasok na ko at isinara yung pinto ng kwarto na gagamitin ko. Magulo sa loob, pero kompleto din sa gamit. May kama, aparador, tv, bintelador, sofa , di naman to kalakihan pero nagkasya lahat dito ang lahat ng yan sa loob.

"Hoooo."

Nagpakawala ako ng hininga, sign na di ko alam kung anong uunahin kong ayusin.

Inayos ko muna yung kama, may nakabalandrang poster ng mga sikat na Basketball player tsaka ko dinikit ulit sa pader. Siguro lalaki din yung may-ari ng kwartong to. Mga panlalaki din yung mga gamit eh.

Sa gilid ng pinto may malawak na espasyo kaya dun ko nilagay yung aparador, di naman sya kalakihan kaya nasakop nya yung tamang pwesto. Sa pinaka dulo andun yung kama at sa paanan dun ko nilagay yung Tv, ginamit ko yung side table para pampatong at sa tabi nun dun ko nilagay yung Stand Fan at nilagay ko sa gilid ng kama yung sofa.

At sa wakas natapos din ang pag aayos ko.

May kulang pa pala, wala pang kobre kama.

Lumabas ako para magtanong kay Josh. Magkatapat lang yung kwarto namin kaya kumatok ako agad.

"May problema ba pare?"

"wala naman, itatanong ko sana kung may kobre kama ka ba dito?"

"Ahhhhhhh. Andun sa aparador mo nakalagay."

"Sigesige. Salamat pre."

Pumasok na ko agad. Binuksan ko yung aparador, marami ngang kobre kama na hindi pa nagagamit. Mga hulugan pa ata yun sa 5'6 eh.

Pinili ko yung color Purple na pansapin. Kung hindi nyo natatanong peyborit color ko yung Perpol. =)))))))) MWAHAHA!

"hayyy ang sarap humiga!"

Tapos na kong mag-ayos sa lahat lahat. Nalagay ko na rin yung mga damit ko sa aparador. Malinis at Masarap sa mata yung loob ng kwarto ko. Color perpol din kasi yung kurtina ko eh.

Tok! Tok! Tok!

"Pasok! Bukas yan."

"HUWAW! Sabi na nga ba eh! Hindi ka lalaki. Ikaw talaga pre! Tanggap ko naman eh, Okay lang yan."

Baliw talaga to!

"Sira! Parang di mo naman ako kilala. Simula noon pa man diba alam mo na yung peyborit color ko?"

"Of course. Osige exchange tayo ng kumot, kurtina tsaka kobre kama, kulay Purple yung mga yon. May green ka ba jan?"

Sabi ni Josh sabay upo sa Sofa.

"Oo ata. Teka tignan ko."

Binuksan ko yung aparador para tignan, meron ngang kulay berde na pansapin.

"Oh eto pre."

Inihagis ko sakanya yung kurtina tsaka kobre kama kasama na yung kumot.

"Salamat. Mamaya ko na ibibigay yung sakin."

"Sige."

Umalis na si Josh, pero di nagtagal bumalik ulit sya para iabot sakin yung ipapalit nya.

"Salamat!"

Sinara na nya yung pinto, binuksan ko naman yung tv para manuod.

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon