#Fear 40: SATURNO

2.9K 76 8
                                    

#Fear 40: SATURNO


(  ̄ー ̄)φ__

"161 na sa mga miyembro natin ang nakapasok sa Serlande University ngayong umaga. May mga kasabay din silang late enrollees na hindi natin kamiyembro kaya sigurado akong hindi sila maa-identify. 566 na ang kabuuan nilang bilang sa loob ng Seriun." Anunsiyo ng babaeng isa sa mga head ng isang sikretong asosasyon.

"Thank you, Erica." Nakangising pumunta sa tabi ng babae si Hydro, ang overall head.

"No problem, baby." Nakangiting umupo si Erica sa isang upuan sa gilid ng malaki at madilim na silid.

" Nakangiting umupo si Erica sa isang upuan sa gilid ng malaki at madilim na silid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Erica)


"Saturno." Banggit ni Hydro. "Dumating na ang tamang pagkakataon para tayo ay bumalik!"

 "Dumating na ang tamang pagkakataon para tayo ay bumalik!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Hydro)


Itinaas niya ang kanyang kanang kamao at kasabay nun ang pagbubunyi ng higit-kumulang dalawang-daang taong nasa loob ng malaking silid na iyon.


Habang nagsasaya ang mga tao ay may isang babaeng tahimik lang na nakatayo sa isang sulok. Masama ang titig niya sa kawalan na para bang may nakabaong pagkamuhi sa kaloob-looban niya. Isa siya sa mga ruthless killers ng Saturno, ang sikretong asosasyon.


"Maghanda na kayo... Sa aming pagbabalik..." Pabulong niyang sabi habang sinasaisip ang mga maaaring mangyari sa Serlande University.


Iniisip pa lang niya ang pagmumukha ng mga estudyante doon ay nanggigigil na siya. Gusto na niyang hiwain ang mga leeg nila. Gusto na niyang tapusin ang mga buhay nila.









Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon