Chapter 1

2 0 3
                                    


ZAYNELLE'S POV


'Lucas International School'


Basa ko don sa logo ng school na pinapasukan ko sa labas ng bintana ng kotse

Minsan naisip kong magpatayo kaya ako ng mga gusali tas sa pangalan ko isusunod lahat hmmm..


Zaynelle maganda hotel

Zaynelle ubod ng puti spa

Zaynelle saksakan ng katalinuhan library

Sama ko kaya ung mga kuya ko hehehe.

Zaynelle with Kuya Zayden and Kuya Zayven tatlong bibe petshop


Ohaaaaa! Perfeeeeeect hihihihi

Masuggest nga yon sa kuya Zayden ko, Panigurado proud na proud nanaman yun saken dahil sa idea ko hihihi


"Miss?????!" napalingon ako agad kay mang edy nasa 50's na ung edad

"Hehehe ano po yon mang edy? May kaaway po ba kayo? Paresbak naten kela kuyaaaa!" eh pano ba naman kase nakakunot na ung noo nya. Parang naiinis na ewan

Napakamot sya sa noo bago sya nagsalita

"Kanina pa ako iha tawag ng tawag sayo. Andito na tayo miss."

"Susunduin kita mamaya miss" dugtong nya pa

"Wag na po mag edy kay kuya zayden nalang muna ako sasabay hihihihi"

Tumango na lang sya bago lumabas at pagbuksan ako ng pintuan

"Mang edy ano hehehe iwasan nyo po ang matatabang pagkain. Mukhang lagi kayong highblood" Pagbaba na pagbaba ko sinabi ko kay mang edy yon may kasama pang tapik ng 2 beses sa balikat nya

Mukhang lalo lang sya nainis huhuhuhu ke lalaking tao parang menopause huhuhu!

"Una na po ko babye pooooo" sabi ko sabay lakad ng mabilis mahirap nab aka lalong mainis saken.


Napatingin ako sa orasan ko quarter to 7 na. May 15 minutes pa ako bago magstart ang klase kung magbenta muna kaya ako ng shabu? Jokeee! hahahahah

Dumaan muna ako saglit sa locker para kuhain ang science book at English book ko tshaka ako umakyat sa classroom.

Tinignan ko ulit relos ko pag kaupo na pag ka upo ko. Hmmm, may 8 minutes pa ako matext nga si Kuya Zayven hihihi


[EoWzx Ph0e bHoEzx kuya zayveeeen! Textmate tayo] Message sent!

After 40 seconds oha nabilang ko mwihihihi

[magaral ka dyan!] Message received.

[Ang sungit sungit mo :'< Hahanap nalang jowang foreigner na arabo makikipagtext mate ako sakanya sasabihin ko ayaw ako katextmate ng kapatid ko! :<] Message sent!

After ilang seconds ulit

[K.] message received.


Ang haba haba ng message ko 'k' lang reply saken :( kaya di ko masyadong close si kuya Zayven dahil sobrang sungit di kagaya ni kuya Zayden na sobrang bait baka pag nagrequest ako magshabu kame pumayag yon eh huhuhu.


Pero nakita nyo naman pumayag si kuya zayven mag jowa ako ng arabo hays walang taste talaga yon :( joke joke ko lang kase pumayag naman hays


Kambal si Kuya Zayden at Kuya Zayven nalalaman ko kung sino sila kase si Kuya Zayden nakasalamin at nakataas ang buhok Samantalang si Kuya zayven nakababa ang buhok pero walang salamin.

Pero syempre kahit ganyan si kuya Zayven protective yan pag talagang may lalaki sa bahay tas hinahanap ako siguro para syang bisugo makipagusap ganon. Kaya walang gf yan eh kase nga suplado gusto nyo irenta ko sainyo si kuya zayven? Osige basta bayaran nyo ko monthly pero may down payment muna ^O^


Pumasok na ung teacher namen sa science kaya discuss lang sya ng discuss brrr boringggg~

.

.

.

.

.

Natapos na ung dalawang subject at dumeretcho na ako sa canteen. Andon na kase si Vane, Vanessa Lucas whole name nya. Sya ung anak ng may ari netong at bff ko sya since fetus!


Hindi sya nakapasok ng 1st and 2nd subject tinanghali daw sya ng gising.


"Zaynelle ghaaawd sorry di ako nagising ng maaga eh kase naman nagchat ako sa kapatid mo! Sineen nya ko sa sobrang tuwa ko tinitigan ko madamag ung seen nya saken. Bihira lang yon nohhh!" Sabi nya saken pagkaupo na pagkaupo ko

Opooo! Type na type na type na typewriting nya ang kapatid kong masungit ewan ko ba dyan na seen na nga natuwa pa hays pero atleast nakita sya ng kaptatid ko through computer diba nakakakilig nga yon! <": effort talaga ng kapatid ko <3

"Sabi na nga ba gusto ka din ng kuya ko eh! Hihihihii " Sabi ko sakanya syempre kung bff since fetus tshaka kuya mo magkakatuluyan sino ba di matutuwa hehehe syempre ung kapatid ko kase nirereto ko nanaman sya hahahahahah!

"Talagaaaa?! Omg shytype kase yan si zayven kinikilig tuloy ako! What if kaya mag patahi na ako ng wedding gown? Mamaya pag chinat ko sya ng I do tas sineen nya ulit kakausapin ko na magulang mo at sabihin ko 'We're getting married na po' oh diba besssss!" Sabi nya saken na may pag alog alog pa ng balikat ko at namumula pa sya.


Pero teka sabi nya magpapakasal na daw sila ni kuya zayven?!


"WAAAAAAAAAAAAH!! KEILAN KASAL NYO NI KUYAAAA?!!!!" di ko napigilan sumigaw sa tuwa syempre kakasal na pala sila noh! Hindi manlang ako sinabihan ng kapatid ko nakakatampo! Pero di pa ata alam nila mommy, baka secret muna hihihihihi galing talaga magtago ng sikreto ng kapatid ko!


"Shhhhhh Shhhhh. Di pa muna kailangan kase makausap ko pa muna parents nyo hihihihi kaya secret muna naten toh haaaa?" sabi nya habang palinga linga kaya luminga linga din ako nakatingin na pala samen lahat dahil sa sigaw ko


Hihihi shhhh lang palang muna oh wag kayo maingay ah! Lagot tayo kay Kuya Zayven at kay vane netooo hihihi kinikilig ako!


-xxxibmars18

Love Or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon