Capítulo 39
Dana's POV
"Jhon!" Nilapitan ko siya at inihiga sa hita ko. Ang kinatatakutan ko... "Jhon.. Jhon..."
"Tumakas k-ka n-na." Hirap niyang sabi. Napaubo pa nga siya at nakita ko yung dugong lumalabas sa bibig niya.
"Jhon.. Labs.. H-hindi.. Sandali lang.." Hindi ko namalayang tumutulo na pala yung luha ko kung hindi lang natuluan ang pisngi ni Jhon. Nabaril si Jhon.. Natamaan siya.
"Tumakas ka na." Ulit niya.
"H-hindi.. Jhon, kaya mo yan. Sa...sa tiyan ka lang naman natamaan diba? Wala namang nasirang organ diba? Labs.. JHON!" Nagsisigaw na ako ng may humablot sa akin.
"Wala ka ng takas prinsesa. Kailangan ka na sa palasyo. Hinahanap ka na ni Punong Gustavo."
"BITAWAN MO AKO! JHON! JHON!"
Nakita kong pinagsisipa ng mga bagong dating rebelde si Jhon.
"Jhon!" Hindi ko magawang makatakas sa humahawak sa akin. Nagpapalag ako pero wala.
"Wag ka ng malikot prinsesa kung ayaw mong masaktan. Ayaw pa naman ni Gustavo na nasasaktan ka."
"Bitawan mo ako! Jhon! Jhon! Wag niyo siyang sasakta--"
May malakas na suntok akong naramdaman pagkatapos, itim na lang ang nakita ko, hanggang sa wala na akong malay.
Jhon...
<3
Nagising na lang ako sa pamilyar na amoy nabumabalot sa pang-amoy ko. Pamilyar. Pamilyar na pamilyar.
Unti-unti kong idinilat ang mata ko at kaagad na tumambad sa akin ang isang magarang kisame, magarang pader, magarang kasangkapan, magarang higaan. Lahat ng nakikita ko pamilyar sa mata ko. Hindi ako nagkakamali. Alam kong ito ang kwarto ko. Ang lilak at asul na pinta ng pader na pinilit kong papalitan noong tumuntong ako sa edad na sampu. Ang malambot na sofa na pinasadya ko pang ipagawa. Ang kamang mas matagal pa sa buhay ko sa sirbisyo nito sa palasyo. Ang kisame, ang pinaka hinahangaang kong kisame na nasasabitan ng isang malaking ilaw na may mga krystal, may mga tela rin kung saan nakaburda ang symbolo ng Leuropia. Hindi ako nagkakamali, nasa sarili silid ako, sa palasyo, sa Leuropia.
Nasa Leuropia ako!
Paanong nangyari---
Parang isang liwanag na dumaan sa akin ang alaala ko... Ang gabing tumatakas kami ni Jhon, tumatakbo, desperadong makalayo sa mga rebeldeng sundalo, sa mga taong gusto akong mahuli... Si Mirko, si Jhon... SI JHON! Nabaril siya! Natumba at nagaagawbuhay!
Napabangon ako pero kagad na napahiga sa sakit ng tiyan ko..ng sikmura ko.
Naalala ko, may lalaking humawak sa akin. Ayaw niya akong pakawalan. Nagpapalag ako pero wala akong nagawa lalo na ng suntukin niya ang sikmura ko. At ngayon nagising na ako. Nagtataka kung bakit ako napunta dito.
Tinakpan ko ang bibig ko sa realisasyong pumasok sa isip ko. Hindi ko napigilang wag umiyak. Umiiyak ako. Umiiyak ako. Natatakot ako.
Hawak na ako ni Gustavo. Hawak na ako ng kalaban. Nakarating nga ako sa Leuropian pero napunta ako sa masamang kamay.
Hindi maari! Hindi pwede 'to!
Pinilit kong bumangon, tumayo at maglakad papuntang pinto, papalabas ng kwarto. Kailangan kong makaalis. Pero sarado ang pinto. Naka-lock!
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Teen FictionJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?