A Lost Promises (One Shot)

3 0 0
                                    

Promise, isa yan sa mga salitang mahirap kalimutan. Lalo na't galing sa pinaka mamahal mong tao, ipinangako nya sayo na ikaw lang ang pinaka mamahal nya, ipinangako nya sayo yung gagawin nyo in the future.

Diba ang sarap sa feeling?. Kasi nangako sayo yung pinaka mamahal mong tao?. Oo karamihan sa mga pangako ay napapako, So what for now? I don't care if some people say that. Malaki ang tiwala ko kay Khiro na tutuparin nya lahat ng ipinangako nya saakin, because he love me and I love him very much, nag mamahalan kaming dalawa.

Tsaka ilang buwan nalang at matatapos narin yung pag aaral nya sa Manila. Malapit na kaming mag sama ulit, mag papakasal na kami at gagawa kami ng masayang pamilya, gusto ko sya lang ang magiging ama ng magiging anak ko.

"Sandra, pag maka-pagtapos na ako ng pag aaral sa Manila, mag papakasal tayo ah? gagawa tayo ng sarili nating pamilya. Kaya hintayin mo ako h'wag kang mag hahanap ng iba, h'wag mo akong ipag palit sa iba, kundi bubuntisin kita para wala ng makaka agaw sayo, at masasabing akin ka" pangangamba nyang sabi saakin, sabay hawak sa kamay ko.

Oo natakot ako nung sinabi nya saakin na mag aral sya sa manila, dahil natatakot akong baka maka hanap sya ng iba. Maraming magaganda sa Manila kaya malaki ang posibilidad na mag kakagusto sya doon ng magagandang babae.

"Khiro, h'wag kang mag alala ikaw lang ang laman ng puso ko, sayo lang ako. Iyong iyo ako, pero ako yung mas natatakot na baka ma-makahanap ka ng ma-mas higit pa saakin sa Ma-manila" nauutal kong sabi, natatakot talaga ako na baka mag katotoo yung iniisip ko. Kaya hindi ko na napigila na hindi mapaluha dahil sa pinag iisip ko.

Bakit pa kasi kailangan nya pang mag aral sa manila?. Oo na iintindihan ko na para naman sa kinabukasan nya yun, para saamin in the future. Pero bakit kailangan sa malayo pa?. Pwede naman dito, yung mag kasama kami diba?.

"Baby, wala kang dapat ipangamba, iyong-iyo lang din ako. Kahit gaano pa yan sila kaganda, kung ikaw lang din lang naman ang laman nito" sabay kuha sa kamay ko at inilagay banda sa puso nya " kaya h'wag kanang umiyak, diba sabi ko sayo ayaw kong nakikita kang umiiyak?. Dahil nasasaktan ako pag umiiyak ka, kaya h'wag kanang umiiyak please baby ko" ngumuso nguso pa sya.

"Tsaka 4 na taon lang naman tayo mag kakahiwalay--" naputol nyang sabi

"Che- anong Lang?, h'wag mong ilang-lang yang apat na taon nayan?, khiro" tinapik ko pa yung braso nya, ang tigas ng braso nya dahil sa namumuo nyang muscle.

"Hehe, para naman sa future natin yun eh' kaya h'wag ka ng mag tampo" sabi nya

"Eee. Bakit ba kasi kailangan sa malayo pa?, alam mo naman na hindi ako sanay na mag kalayo tayo diba?. Pero sige para sa kinabukasan mo at sa future natin, mag hihintay ako, kahit masakit saakin na mawalay ka ng apat na taon pipilitin ko. Basta para sa kinabukasan natin" hinawakan ko ang mag kabilang pisngi nya at idinikit ko ang noo ko. At konting konti nalang at magkakahalikan na kami.

Kaya dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa ay naaamoy ko na yung bango ng hininga nya.

Nagulat nalang ako ng idinikit nya ang labi nya sa labi ko. Sabay sabi nya ng

"I love you baby ko" sabi nya ng hindi pa nya iniwalay ang labi nya sa labi ko.

"I love you too baby ko" sabi ko

"I love you more"

Mga alaalang hindi ko nakakalimutan noong umalis sya ng probinsya. Mga pangako nyang hindi ko nakakalimutan hanggang nagyon, sariwa pa ito para saakin hanggang ngayon.

Lalo na't next week na daw sya uuwi, kaya mas lalo ang akong nae-excite. Ano na kaya ang itsura Khiro ngayon?, nag papadala naman sya saakin ng picture pero, ma's gusto kung makita sya sa personal, hindi kasi sapat yung picture lang hehe. Umuwi naman sya last-last year, dahil sa nag kasakit ang mama nya. Kaya nag kataon na binisita nya ako sa school. Gulat na gulat ako nuong dinalaw nya ako sa school. Unexpected eh?. Tska hindi ko rin sya nakilalq dahil sa pag laki lalo ng katawan nya. Mas lalo pa syang gumuwapo.

Kaya pag hahandaan ko ang pag uwi nya, pupunta ako sa bayan para mamalengke. Iluluto ko yung paborito nyang adobong manok.

Gagamit ako sa ipon ko para mabili lang yung kailangan ko sa pag luluto. Ok lang mabawasan yung pambayad ko sa school basta mailuto kolang yung paborito ng mahalagang tao saakin.

Excited akong umalis ng bahay para pumunta sa bayan. Alam naman ni mama't papa na bukas na ang uwi ni Khiro kaya excited din silang makita ito.

Una kong pinuntahan ay yung puwesto ni Manang Sita para bumili ng isang kilong manok, at saka isinunod ko yung iba pang kailangan sa pag luluto ko.

Nang natapos kunang bilhin ang mga kailangan ko. Uumuwi na sana ako ng naaalala ko yung madalas naming pag tambayan ni Khiro sa park, kaya pupunta muna ako doon total namiss ko yung lugar na yun kaya gora.

Pero bago yun ay dumaan muna ako sa convienience store na paborito naming bilahn ng ice cream, medyo nakakalungkot lang dahil dati rati ay sabay kaming pupunta sa counter para mag bayad ng ice cream pero ngayon ako nalang.

Nang nakabayad na ako, pumunta ako sa paborito namin ni khiero na bench,

Malapit na ako ng may nakita akong sweet couple na umupo doon, at nag halikan pa sila.

Habang humahakbang ako nakakaramdam ako ng panghihina sa binti ko. At kirot sa puso ko ng nakita ko yung nakatalikod na lalaki.

Pero bakit? Bakit ko nararandamab ang mga ito? Hindi naman sya yan ah?. Bukas pa ang uwi nya pero bakit ang lakas ng kutob ko na sya ito?. Jusko hindi sya ito, God namamalik mata lang ako diba? Dahil lang ito sa pag kamiss ko sa kanya kaya ko napag kakamalaan ang ibang tao?

Malapit na ako sa kinaroroonan ng nag lalambingan ng dalawa ng sabay sabay nag bagsakan ang mga namumuo kong luha na kanina kopa gustong ilabas.

Pero bakit nya ginawa ito?. Hindi ba ipingako nya saakin na ako lang ang mahal nya? Ipingako nya saakin na pag natapos na syang mag aral sa Manila ay mag papakasal kami? Pero anong nangyari?. Bakit meron syang kasamang babae, at bakit nandito sya? Hindi ba bukas pa ang uwi nya?. Niliko nya!. Pinaasa nya ako't sinaktan.

"Sandra" gulat nyang pag kakita saakin nung lumingon sya saakin saka tumayo para lapitan sana ako.

Pero habang lumalapit sya, dahandahan naman akong umaatras, Habang humahakbang ako paatras parang dinudurog ang puso ko.

Hindi ko na kaya ang sakit, hinang hina na ang tuhod ko.
Bago pa sya mag salita ulit, tumakbo na ako. Gustong kung tumakbo yung malayo sa kanya, at ng babaeng kasama nya, Hindi ko kaya yung nakita ko, gusto syang sanpalin, gusto ko silang sampaling dalawa. Pero hindi ko kayang gawin dahil sa sakit na naramdaman ko nang nakita ko silang nag halikan

Narinig ko pa yung pag tawag ni kiero sa pangalan ko habang hinahabol nya ako "SANDRA"

The Lost PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon