Move on...

6 0 0
                                    


Paano nga ba mag move on?


Wala naman talagang eksaktong paraan at walang formula ang pag momove on. Kung meron mang isang taong higit na makakatulong sayo, ito ay ang sarili mo. Oo nga't andyan ang pamilya at mga kaibigan natin para magbigay ng iba't ibang mga payo, magparamdam ng simpatya at suporta. Pero balewala ang lahat ng ito kung hindi tayo mismo ang tutulong sa sarili natin para muling bumangon at lumaban.

Masarap magmahal, oo, pero sobrang sakit rin pag niloko ka at iniwan ng taong mahal mo. 

Darating sa point na hindi ka makakakain, hindi makakatulog, ayaw mong makisalamuha sa iba. Yun bang gusto mo nalang ikulong yung sarili mo sa isang sulok. Dun ka nalang maghapon magdamag uniiyak at paulit-ulit na tinatanong yung sarili mo kung saan ka ba nagkulang, kung saan ka nagkamali, kung ano ba yung kulang sayo.

Minsan, may mga tao talagang mapaglaro. Yung minahal mo na nga siya at binigay mo yung buong pagtitiwala mo sakanya, pero sa kabila ng lahat ng iyon nagawa ka pa niyang lokohin. Yung taong basta ka nalang iiwan sa ere. yung taong basta basta nalang itatapon yung pinagsamahan niyo. Basta basta nalang kakalimutan yung mga masasayang ala-alang meron kayo.

Ang tibay ng isang relasyon ay hindi masusukat sa kung ilang taon na meron kayo. Meron kasing nagtatagal nga ng hanggang sampung taon pero nauuwi rin sa hiwalayan. At meron din yung kahit sa maikling panahon palang, alam na nilang sila yung para sa isa't isa.

Sa isang relasyon,  napakalaking ang papel na ginagampanan ng tiwala sa isa't isa. Pero paano mo nga ba malalaman kung yung taong yun ay karapat dapat pagkatiwalaan?

Mahirap sagutin yan. Hindi natin hawak ang isip ng tao. 

Kapag nagmahal kasi tayo dapat handa tayong masaktan. 

Kapag nagmahal tayo, alin ang mas dapat nating pairalin, ang puso o ang utak?

Hindi naman natin kelangang mamili. Dahil pareho silang mahalaga. Kelangan lang na balanse silang dalawa.Ang utak ay nilikha mas mataas sa puso natin, at ang ating puso ay nilikha sentro ng ating katauhan.


Balik tayo sa tanong na "paano nga ba magmove on?"

Paano nga ba?

"Move on", dalawang salitang madaling sabihin pero mahirap gawin.

Pero siguro, dapat lagi nating tatandaan na sa bawat pagsasara ng kwento ng isang relasyon ay may panibago namang magbubukas muli.

Isipin nalang natin. Si God yung higit na nakakaalam sa kung ano yung nakabubuti para sa atin. "Lahat ng nangyayari ay may dahilan", ika nga nila. Hindi Niya ibibigay kung ano yung gusto natin, sa halip ay ibibigay Niya kung ano yung nararapat para a atin, kung ano talaga yung mas makabubuti para sa tin.

Kelangan nating harapin yung katotohanan. "Truth hurts" nga diba, pero yun kasi yung dapat. Hindi naman natin pwedeng takbuhan nalang habang buhay yung katotohanan, yung katotohanan na may ibang mahal na siya, na hindi na ikaw yung dahilang ng pag-ngiti at pagtawa niya, na gigising ka nang walang matatanggap na "i love you" mula sa kanya, na hindi na ikaw yung sasabihan niya ng "i miss you", at higit sa lahat yung katotohanan na khindi na matutupad yung pangarap niyong dalawa dahil may ibang taong tutupad na nito para sa kanya.

Masakit ba? 

Masakit talaga. 

Sobra sobra. Pero yun yung katotohanang dapat harapin.

Mararanasan mo yung stage na sobrang masasaktan ka, na makakatulugan mo na yung pag - iyak. At kinaumagahan, kelangan mo nanamang magkunwaring ayos ka lang, Kasi ayaw mong makita ka ng mga taong nagmamalasakit sa'yo na nasasaktan. Yun tayo e. Mas pinipili natin na itago nalang kung ano yung totoo nating nararamdaman.

Pero naisip mo rin bang hindi naman kabawasan sa pagkatao natin yung pag-amin sa totoo nating nararamdaman, yung makita nila tayong umiiyak? Yung makita nilang nasasaktan talaga tayo? 

"Feel the pain 'til it hurts no more" sabi nga.

Tapos mamaya, dun na sa stage na magagalit ka sa kanya. Yung i-i-istalk mo siya sa facebook at sa kung saan saan pa. Blinock mo nga siya tapos i-a-unblock mo para lang i-istalk siya. Yung totoo?

Magagalit ka sa kanya, isusumpa mo at kung anu-ano yung gagawin mo para marealize niya na tanga siya dahil iniwan ka niya, na sinayang ka niya.

Eto lang yun e, kung mahal ka talaga niya, nasasaktan ka ba ngayon? umiiyak ka ba ngayon? hindi, diba? 

Ngayon, kung habang buhay kang magagalit, kung habang buhay kang magkakaganyan, may magbabago kaya? Babalik kaya siya sayo? Hindi ba't sarili mo lang ang sinisira mo kapag ganun? Siya nakakatulog ng maayos habang ikaw inuubos mo yung oras mo sa pag-iisip kung paano ka makakaganti sa kanya.

Let go. Magpakatatag ka at bitawan mo yung mga bagay na hindi karapatdapat pahalagahan. Bitawan mo yung mga bagay nagpapabigat sa dibdib mo. Aliwin mo yung sarili mo. Magpainting ka, magsurfing, gumala kasama ang mga pamilya at mga kaibigan mo, manood ng masasayang movies. Gawin mo yung mga bagay na hindi mo pa nagagawa. Yung mga bagay na ika-uunlad ng sarili mo.


Darating yun araw na mapapagod ka nalang. Mapapagod sa pang i-stalk siya, mapapagod ka ng magalit sa kanya, mapapagod ka ng isipin siya, at mapapagod kang balikan lahat ng mga ala-alang meron kayo. 

Kasi nga unti-unti ka nang nagigising sa katotohanan. Bigla mo nalang tatanungin yung sarili mo ng, "Bakit ko nga ba ginagawa ang lahat ng ito?", " Ano bang mapapala ko sa lahat ng ito?"


Hanggang magigising ka nalang isang umaga na may sigla at ngiti sa iyong mga mata. Finally, nakalaya ka na sa madilim mong mundo. Natanggap mo na yung katotohanan. Napatawad mo na rin siya ng buung-buo. 

Haharap ka sa salamin at guguhit sa iyong mga labi ang ngiting dalisay, yung ngiting walang bahid ng sakit at pagkukunwari. Tapos kusa mong ibubulong sa sarili mo ang mga salitang "Nagawa ko. Nakalaya rin ako."

Hindi ba't ang sarap mabuhay ng walang dinadalang sakit at galit sa puso? 

Nabuo mong muli yung sarili mong minsan na nilang winasak at sinira. Muling nanumbalik at napuno ang puso mo ng pagmamahal.


Ngunit hindi pa rito nagtatapos ang laban mo sa buhay, sa pag-ibig. Marami ka pang pagdadaanan. Ngunit hindi ka na matatakot dahil minsan ka nang nasaktan at kinaya mong bumangon muli at magpatuloy. Ang lahat ng mga aral na natutunan mo ang magiging susi mo sa pinto kung saan naroo't naghihintay yung taong nakatakda para sayo. Mula roon sabay niyong haharapin ang daan tungo sa "FOREVER"... ♥


                                                                                                                      ♥LouiseAngelique♥

































Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

quotes 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon