Chapter 8

87 2 0
                                    

"Tao po!  Jean!!!"

Pinagpapawisan na si Nathan sa kakasigaw at kakatawag kay Jean sa labas ng bahay nito ngunit wala pa ring lumalabas para pagbuksan siya.  Kanina pa siya naroon.  Nagtataka nga siya kung bakit naka-lock ang gate dahil karaniwang hindi naka-lock iyon kapag ganoong oras.

"Jean!!! Yozack!  Izaack!"  tawag pa rin niya rito at pati na rin mga kapatid nito.

"Wala ng tao d'yan!" dinig niyang sigaw ng isang babae sa gawing kanan niya.  Kapitbahay ng mga Quijano.

"Po?" baling niya rito.

"Wala ng tao d'yan sa bahay nila Jackie.  Maagang umalis kanina.  Pupunta nang Canada ang mga iyon."

Napamaang na lang siya na tila hindi makapaniwala sa narinig.  "Canada?"

"Oo.  Paanong hindi mo alam eh hindi ba malapit ka naman sa panganay nila?" tanong ng babae.

"Ay, nawala lang po sa isip ko na ngayon pala ang alis nila.  Sige po, maraming salamat na lang."

Pagtawanan na siya nang makakakita sa kanya pero hindi na niya napigilang tumulo ang luha niya.  Umalis si Jean ng hindi nagpapaalam sa kanya.  Pero bakit nito iyon ginawa sa kanya?  Ganoon ba siya kawalang halaga para rito?  Kinapa niya ang pendant ng kwintas na ibinigay nito sa kanya kahapon lang.  Lalo lang tuloy siyang napaiyak.  Napasandal na siya sa motor niya at hinayaan ang sarili na ilabas ang kalungkutang nadarama niya.

"Kahapon lang hiniling kong sana magkasama tayo habambuhay, sinabi ko pa iyon sa'yo pero hindi mo man lang sinabi sakin na aalis ka?"

Tinanggal niya ang kwintas at matamang tinitigan ang pendant niyon.  Naroon ang pangalan ni Jean.  Habang hawak iyon ay may naramdaman siyang tila nakasulat sa likod niyon.  Ganoon na lang pagbagsak ulit ng luha niya nang mabasa ang maliliit na letrang nakaukit doon.

"N, I love you. ZJ"

Hindi man lubusang naiintindihan ang kanyang nararamdaman ay isinuot niya ulit ang kwintas. At idi-nial ang numero ng isang kaibigan.

"Det?  Anong alam mo tungkol sa pag-alis nila Jean?  Kelan sila babalik?"

"Nathan," tila nagdadalawang-isip na sagot ng kaibigang si Detalie.

"Come'on Det!  Nakaalis na sila.  Sabihin mo naman sa'kin please.  Bakit hindi nabanggit sakin ni Jean na aalis sila?" His tears kept falling.  Hindi niya iyon mapigilan.

"She loves you Nathan."

"Damn!  Bakit hindi niya sinabing aalis siya?"

"Don't raise your voice at me Nathan.  Kung hindi man sinabi sa iyo ni Jean na aalis siya eh wala akong alam dun.  Ang alam ko lang ay mahal ka ng kaibigan ko at natatanga na siya sa kakahintay na sabihin mong mahal mo rin siya.  Dahil alam mo, ikaw, duwag ka!!!"

"Sorry." tanging sagot niya.  Tama si Detalie.  Naging duwag siya.

"Nakaalis na sila Nathan.  I don't when are they coming back.  At kung itatanong mo sakin ang address nila eh hindi ko pa alam.  Malamang nasa Manila pa ang mga iyon o kaya nasa byahe na."

"I love her Det," he said in tears.

"You should have told her that before it became too late.  Sige, I need to end this now, may gagawin pa ako."

"Ok, thanks."

"Bye."

"Bye."

Napatitig na lang siya sa bahay ng mga Quijano at gumawa ng kanyang sariling disisyon.  Alam niya, alam ng puso niya na hindi pa huli ang lahat.  Hihintayin niya si Jean.  Maghihintay siya sa pagbabalik nito kahit pa gaano katagal iyon.  He promised to himself that there would be no other girl for him, but Jean.

Nathan's Confession: Drunk in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon