“ Hoy! Alexi, kailan mo balak tumayo jan!!” bungad naman sakin ni Chloe
“ hmmmmm…mamaya na” sabay yakap ko ng unan
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!” biglang sumigaw ang impakta kaya Tinakpan ko ang aking dalawang magagandang tenga
Tsk ang kawawa kong tenga =_=
“ano ka ba naman,Chloe ha?! Kita mong natutulog ang tao!” sabi ko naman.
“Alexi…” biglang humina ang boses niya
“ano?!”
“TUMAYO KA NA JAN KUNG AYAW MONG MABUHUSAN NG ISANG BALDENG SERMON AT ISANG BALDENG TUBEG!” Tinakpan ko nanaman ulet ang dalawa kong tenga. Hipokrita talaga to!
“Pwede bang mamaya na??? Inaantok pa ako eeh”
“ganyan ka naman lagi eh! Puro mamaya na, mamaya na. Wala ka na bang ibang alam sabihin bukod sa mamaya nalang???”
“uhhh… later??” sabi ko ng may kasama pang hikab
“UGHHHHH! Ano ka ba naman Alexi Gabrielle Lopez??? Ganyan ka na ba talaga katamad??? Hapon na at magagabi na oh!” Ano naman kung magagabi na? tsaka nap time ko ngayon.
“Bakit? Nap time ko ngayon.Alam mo naman ang afternoon routine ko diba? Kung meron ka ngayon kumuha ka ng pampalit jan sa cabinet, huwag mo na akong gisingin para samahan kang magpalit” sabi ko habang nakapikit ang mata ko.
*Spppppppppppppppplaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaash*
“WTF? ANG LAMEEEEG! BAKIT MO BA AKO BINUHUSAN NG TUBEG?”
“hmp. Bagay lang yan sayo. Siguro di magtatagal magiging kamukha mo si Juan Tamad” Sabi niya sabay irap.
“EH BAKET BA KASI???” sabi ko habang ang kamay ko ay pinupulupot ko sa sarili ko. Aba ang lamig nun ah!
“ay juskong babaeng to! Taong tabon ka na ba ngayon at hindi mo alam ang mga latest na balita? Jusko teh, lumabas ka naman sa kweba kahit paminsan minsan!” sabi niya habang umiiling
“eh ano nga yun??? Saka graveh, mawawasak na ba ang mundo sa balita mo at kailangan mo pa akong gisingin at buhusan ng isang baldeng tubeg???”
“ oo importanteng importante! Importante pa sa pagtulog mo, Importante pa sa isang baldeng tubig,Importante pa sa pampalit ,Importante pa sa buhay mo—“
“EH ANO NGA YUNG IMPORTANTENG BALITA NA YON? NAKU! ANG DAMI PANG KAECHOSAN!”
“AALIS LANG NAMAN PO SI RAM CRUZ PAPUNTANG STATES AT HINDI NA BABALIK DITO KAILANMAN!”
Bigla ako natahimik.
“o? natahimik ka noh? Hindi ka parin nakakamove-on noh? o? mahal mo parin siya noh?? o?—“
*poink*
“aray,aray! Bakit mo ako binato ng unan???” sabi niya sakin pagkatapos ko siyang batuhin.
“nagtanong ka pa!”
“toh naman masyadong guilty!”
“hinde ah!”
“asus asus” pangaasar niya pa.
“o ano naman kung aalis siya?”
BINABASA MO ANG
One Minute Too Late (One Shot)
Short StorySana nasasabihan mo ang puso mo na mamaya nalang masaktan kasi nakakatamad. Sana nasasabihan mo ang luha mong mamaya nalang bumuhos kasi nakakatamad. Sana nasasasabihan mo ang sarili na mamaya na lang MAINLOVE kasi NAKAKATAMAD. Pero hindi eh. Akala...