Noong bata palang ako ay sanay na akong maiwang mag.isa sa bahay dahil nga sina mama at papa ay abala sa pagtatrabaho todo kayod nga sila dahil pareho kaming nag-aaral nang kapatid ko.. at ang kapatid ko naman ay palaging naglalaro kasama yung mga kapitbahay namin mga bata.. at nasa grade six palang ako nun..
Isang hapon ay naiwan akong mag-isa sa bahay. Abala ako sa paghuhugas ng pinggan, nakasanayan ko na kasi ang mga gawaing bahay .. Nang may napansin ako sa may gilid nang pintuan sa may kusina na parang may gumagalaw pero nang tingnan ko wala naman at bumalik na ako sa ginagawa ko.. pero di talaga ako mapakali ng napansin kong malapit na napasigaw nalang ako na may ahas pala kaya tumakbo ako palabas nang bahay ata agad kung hinanap yung kapatid ko. At nagtatanong na rin ako sa mga kapitbahay namin kung nakita ba nila yung kapatid ko..
"Te nakita niyo po ba si Warren?"
"Ah ou andun kina ton2x"
"Sige po salamat"
At agad ko namang pinuntahan yung kapatid ko at eksakto nga namang uuwi na siya .. hindi pa rin ako mapakali sa nakita ko kanina at nanginginig parin yung tuhod ko.
"Andyan ka lang pala kanina pa ako hanap ng hanap sayo"
"Bakit mo naman ako hinahanap? Di pa ba nakauwi sila mama?"
"May nakita kasi akong ahas kanina! Magmadali nga tayo baka maabutan natin yun"
Nagmamadali kaming tumakbo nauna yung kapatid ko at nakasunod lang ako at nang hinihingal na ako pinili ko na munang magpahinga sa may tindahan at umupo. Napatingin naman ako sa may malaking puno ng mangga nang mapansin ko may nakatayo roon akala ko si aling bebe pero nang mapatingin ako sa baba nakalutang lang yung babae at dun ko napag isip isip isa palang White Lady humarurot ako ng takbo patungo sa amin..
Pagdating ko nakauwi na sila mama. At wala na raw yung ahas sabi nang kapatid pagdating niya. At sinabi ko naman kina mama yung nakita ko. Talaga nga naman daw may nagpapakita roon at minsan nga ay kapre.
BINABASA MO ANG
KAKATAKUTAN
FantasyHindi nga naman malis satin yung matakot ni babae o lalake man tayo.. at hindi nga naman ibig sabihin nun eh hindi tayo matapang talaga nga namang may limits tayong mga tao.. Sino nga ba ang hindi matatakot makakita nang mga bagay na di naman kaaya...