BATANG NAKASAKAY SA LIKURAN

1.5K 37 2
                                    

Isang malaking subdibisyon, maraming malalaking bahay halos ang nakatira ay mga retiree na empleyado ng DMPI( DEL MONTE PHILIPPINES INCORPORATED) at ang iba naman ay pag mamay-ari ng mga nag aabroad.. kung titingnan nito ang pinakadulo ng subdibisyon ay makikita ang napakalawak na pinagtatamnan ng pinya na kung tawagin ay pineapple plantation..

Marami na ring mga subdibisyon na malapit rito, at malapit rin ito sa companya ng Del Monte kung saan mo makikitang nakapaligid ang mga bahay ng mga supervisors, regular employee at iba may iba't ibang kampo nga sila kung saan namamalagi ang mga empleyado.

Isang gabi ang aking uncle ay nasa gitna nang gaan kung saan napakaraming punong kahoy ang paligid, maraming tambo at may sapa pa. Habang siya ay nagmamaniho sa kanyang motor dumaan siya sa isang tulay. Nang tumingin siya sa side mirror parang may naaninag siya kanyang likuran pero binalewala lang niya yun noong una dahil nag-iisa nga naman siya. Nang hindi siya mapakali ay tiningnan niya ulit laking gulat niya isang bata ang nakasakay sa kanyang likuran at pinaharurot niya ng takbo ang motorsiklo dahil sa takot niya. Kaya mula noon hindi na siya bumabyahe nang dis oras ng gabi.

Marami naring nakaranas nang ganitong pangyayari sa nasabing lugar paminsan-minsan nga akala nang iba may tao dahil nga may ilaw hayon naman pala ay santilmo..

KAKATAKUTANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon