Noong bata pa lang ako ay sa bohol na kami naninirahan doon naman kasi ako isinilang ni mama at aking kapatid sa bahay nang aking great great grandfather. Ang bahay na yun napakaluma na nagmula pa nga iyon sa mga kanununuan ng aking lola kaya pag may nasira na o mga nabubulok ay pinapalitan lang. Doon lang rin naninirahan dahil walang mag-aalaga kay lolo at napakatandana niya at pabalikbalik rin sa ospital.
Bago makarating sa bahay namin ay malayo-layo rin ang lalakarin mo kasi walang gaanong sasakyan at tanging mga motorsiklo lang dumadaan roon pero paminsan-minsan lang dahil sanay naman ang lahat dun na maglakad, pagkatapos ay dadaan ka sa isang liblib na daan kung saan napakaraming puno at mga damo. Pagkatapos ay dadaan ka naman sa napakaraming bato at tatawid ka sa isang sapa. At dadaan ka na naman sa isang maliit na daan kung saan tanging mga niyog at napakalaking puno ng mga acacia, mahogany at iba pa may anahaw pa nga.
Si mama ang parati naming nakakasama at si lolo pag umaga dahil nagtatrabaho si papa.
Mga alas 4 na nang hapon si mama ay abala sa pagwawalis sa likuran ng bahay at tumulong lang din naman ako at ang kapatid ko naman ay nasa itaas naglalaro. Habang nagwawalis si mama nasa gilid lang ako, sa di inaasahang pangyayari ay di na maigalaw ni mama ang kanyang leeg at di naman alam kung ano ang dahilan, kaya agad na kaming umakyat sa taas para makapagpahinga. Di ko naman alam ang gagawin dahil ang bata ko pa noon. Kaya hinintay na namin si papa, pagdating ni papa ay sinabi ko agad ang nangyari. Pinuntahan agad ni papa si mama at minamasahe ni papa kaso din parin ito maigalaw ni mama.
Kinabukasan ay nagtungo sina papa sa isang manggamot o tawagin na nating albularyo. Kaya dun nalang namin nalaman na may nabangga si mama na naninirahan sa isang acacia at ginamot niya si mama naigalaw na rin ni mama ang kanyang leeg. Kaya mula noon ay hindi na nagwawalis si mama pag pasado mga alas 4 o 5 na kasi baka madisturbo na naman yung naninirahan doon na di natin kapareho.
BINABASA MO ANG
KAKATAKUTAN
FantasiHindi nga naman malis satin yung matakot ni babae o lalake man tayo.. at hindi nga naman ibig sabihin nun eh hindi tayo matapang talaga nga namang may limits tayong mga tao.. Sino nga ba ang hindi matatakot makakita nang mga bagay na di naman kaaya...