Chapter 59 - HE CHANGED

7.1K 125 9
                                    

Chapter 59

[Marjorie's POV]

Nakalapit na kami at dinig na dinig na namin ang pinag-uusapan nila. Di lang ako pakialamera, chismosa na din ako ngayon =_=

"Bakit?" tanong ni John.

"Suntukin mo ko." napakunot-noo si John dahil sa sinabi ni Tristan. May pagkabaliw din pala to.

"Ha? Bakit ko naman gagawin yun?"

"Tss. Ganyan ka ba talaga? Bait-baitan ka na habang buhay?"

"Ano bang sinasabi mo? Gaya ng sabi ko nang una tayong magkita, ganito na ako. Eto ako. Ano bang pinipilit mo??" kalmado lang sila parehas pero halata mong mabigat ang atmosphere sa pagitan nila.

"John Alec, hindi ka ba nagagalit sa mga ginagawa ko?? Bakit ganyan ka?! Hindi ka man lang lumaban. Ganyan ka ba kaduwag?? Sinabi kong suntukin mo ko, pero hindi mo magawa?? Anong klaseng---"

"Dahil nga kapatid kita! Oo nung una hindi ko lubos maisip na magkadugo tayo. Nung una ayokong tanggapin dahil alam ko kung anong mga kalokohan at kung anong kasamaan ang ginawa mo sakin. At nangdamay ka pa ng ibang tao. Pero kapag pumapasok sa isip kong, tatay mo din ang tatay ko, na magkapatid tayo, nawawala na ang kung ano mang galit na nararamdaman ko!" sabi ni John at tinalikuran sya ni Tristan at tsaka nagsalita.

"Tss. Yun na yun? Kaya hindi mo magawang gumanti o magalit sakin?!"

"Oo yun na yun. At baka na din dahil sa awa. Oo NAAAWA ako sa'yo. Kung ano-anong pinaggagagawa mo sa sarili mo. Masaya ka na nyan??"

"Hindi ko kailangan nyang awa mo." sabi nya sa mahinang boses.

"Wala akong pakialam kung kailangan mo o hindi. Basta gusto ko lang malaman mong, kahit na hindi mo kami matanggap, kami, tanggap na tanggap ka namin. Sige, mauna na ko." tinalikuran na sya ni John pero bigla na namang nagsalita si Tristan.

"S-sorry..." halos pabulong na sabi nya habang nakayuko. Kaya napalingon si John sa kanya. Totoo ba to? Nagsosorry si Tristan??

"Hindi ko alam kung anong meron sa Marjorie na yun, pero lahat ng sinabi nya sakin nung nakaraang araw, bawat salita, tumama lahat sakin." mula sa pagkakayuko ay inangat nya ang tingin nya at humarap kay John.

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon