Tenth.
"Guys! Hurry up. Gising na." nagising naman ang diwa ko sa boses ni Pauline.
Ang sakit ng likod ko!
Napahawak ako sa likod ko. Ang sakit talaga! bakit?
"Bakit dyan ka natulog?!" natatawang tanong nya sa akin.
"Wag mo kong badtripin, Blake! kakagising ko lang. Masakit pa likod ko." masungit kong sagot sakanya. Nakita ko naman syang tumatawa parin. Nako! Baliw!
Time check: 4:03am
Ohhmy. Ang aga! Ang lamig lamig pa! Nag aayos na sila ng pinaghigaan nila.
Nakita ko naman si Patrick. Shet na malagket! Bakit ang pogi pogi nya kahit bagong gising!? Messy pa yung buhok nya. Yung mapupungay nyang mata na halatang kakagising lang. Yung braso nyang kitang kita ang biceps.. He's so hot!
He smiled.
Sht. Nakakahiya! nakita nya akong tiningnan ko sya! argh. Sabunot sa ulo! Napaka pogi pa nya. dagdagan pa ng braces nya na sobrang bagay sakanya. :")
Teka.
Bakit ako may kumot?!
Sinong naglagay? Multo?! Waaah! Kagabi pa ako minumulto dito ah. Or sadyang tinatakot ako?
"WAAAAHHH!" napasigaw ako at sabay talon sa duyan. Di naman masyadong malakas.
"Anyare sayo?" tanong ni Pau. "Eh kasi... May multo ata dito! Tingnan mo, may kumot ako! Wala to kagabi!" at itinaas ko yung kumot na hawak-hawak ko.
"Hahaha! Paranoid ka na naman Kate! may kumot kaya tayong lahat kagabi. Kung wala yan edi namatay kana sa lamig dyan." sagot naman ni Blake. Sabagay may point naman sya. Eh diba nga binigay ko kay Patrick yung kumot ko kagabi.
"Hoy Kate! kilos kilos din pag may time. magfufun run pa tayo. Dali na, wag mo ng isipin yan." si Pau..
At ayun nga, nag handa na kami at nagbihis.
Sobrang lamig talaga! 4:37 am na. At lumabas na kami ng bahay ni Pauline. Pinaandar na ni Pau at Pat ang kanilang motor. Grabe, feeling ko lumulutang ako sa sobrang antok! Tsk.
"Sakay ka na.." nagising naman ako sa napaka manly slash husky na boses nya.
"Ah sige eto na." Lumapit na ko sa motor at sumakay.
Sobrang lamig talaga! Di ko kinakaya ang lamig. buti nalang nagpahiram si Pau ng jacket.
"Babagalan ko ang takbo para di tayo lamigin." Rinig kong sabi nya..
"Thank you.." Kinilig ako. Oo na, simpleng gesture lang nya, sobra na ang impact sakin. :)
Naunang dumating si Pauline at Blake sa gym.. Ovcors, sumunod kami. Bumaba naman ako sa motor ni Pat. "Thank you ulit.." I gave him a half smile. Echos, antok pa ko, wag kayo! Hahaha :)
He smiled back. Holy crap. Can i die now? Why he is so pogi? Effortless.
Nagstart ng mag-announce ang SG officers about sa gagawing fun run mayang 5 am.
And now, start na ang fun run. Kasama ko si bru at si Pauline. Currently pinaguusapan parin si talent. Di ko na naman maiwasang kabahan.. Mamaya na yung contest ng Mr. And Ms. Intrams. Back out na ko!
"Hoy, di ko na kaya. AYAW ko na. I quit." Napatigil silang dalawa sa sinabi ko. Nakita ko namang lumaki ang mata ni bru habang si pau naman ay nagsalubong ang kilay.
"bru! What?! Again, can you repeat what you just said a while ago!!" Nacoconfused na muka ang binigay ng bespren ko.
"Hanep men! English. Internal bleeding na itu!" Nagawa ko pang magjoke. Hahah
BINABASA MO ANG
Hindi Mo Pansin (Editing)
RomanceHindi mo pansin. Ang ano? Lahat. Ang wagas kong pag-ibig sayo.