(Yung time na nasaktan ako...)
Minahal ko siya ng sobra sobra ginawa ko lahat para sakanya.
Pinag-aralan ko pa ngang mag dota!
Para sakanya, naging stalker niya ako. Naging manliligaw niya ako. Ilang beses kong inamin sakanya ang feelings ko para sa kanya, pero speechless lang siya.
Nagpapapansin na ako't lahat lahat pero snob pa rin. Kahit gabing gabi na, tinatawagan ko parin siya para lang marinig ang boses niya; tini-text ko rin siya pero ang mas malala pa doon...
kinain ko ang pinaka ayaw kong pagkain ang "KWEK KWEK"!.....
Pero anung napala ko ? . . .
Umasa ako, umiyak ako, nasaktan ako, at nabali lahat as in lahat-lahat para sa kanya !
Ganun ba talaga ang nadudulot ng sobrang pagmamahal? Kailangan ba talagang may masaktan, magsakripisiyo, umiyak, at kailangan ba talagang mawasak ang puso ko?...
Kung dati iyakin ako, papansin, uto-uto, at tanga, ngayon iba na...
IBANG-IBA NA AKO !!!