[30]
Pagkatapos naming sumayaw, dumeretso kami sa backstage at naabutan naming may pinagkakaguluhang babae.
“Bro, sino daw yun? Yun ba yung artista? Likod palang ganda na. Ang puti!” Tumintingkayad si Ully habang sinasabi niya yun. Tinatanaw niya yung artista, pero kung di ako nagkakamali kilala ko na siya. Iba nga lang ang itsura niya ngayon, dahil nakaayos siya.
“Bro, taga school natin.” Sagot ni Biboy.
“Si Julie Anne yan, naka make-up at ayos.” Sagot naman ni Ranz.
“Oo nga noh. Mas gumanda pa lalo.” Cav
“Lance, di ba kaibigan ni Coleen si Julie? Sinabi ba niyang pupunta siya?” Lumingon silang lahat sakin sabay nagkibit balikat ako. Maaga na naman siyang umalis, pagka-alis na pagka-alis ni Papa sumunod na agad siya.
“Malay, hindi na nga nagpapaalam sakin. Uuwi yun ng maaga kaya di nagpaalam.”
“Ahhh, ehh yu—“
“LANCE!” Nilingon ko ang boses na tumawag sakin. Hindi na naituloy ni Kuya ang sasabihin niya. “Hi! congrats. Ang ganda ng performance niyo.” Bati niya samin ng nakangiti, ngumiti rin ang dalawang babae na kasama niya.
I don’t know how paano sila nakapasok sa backstage? Alam ko mahigpit dahil may artista. Umalis na rin naman si Kuya at ang iba pa sa tabi ko.
“Thanks Jericha.” Ngiti ko. Nakita ko na lang na medyo siniko siya nung isang babae.
“Ahh, by the way. My friends, Si Shanaih at Yuuki”
“Hi..”
“Hello, are you going to compete sa next basketball competition? Like, are you a varsity?” tanong nung Shanaih
“Hey ano ka ba Shanaih?” pagsaway naman ni Jericha.
“Hindi okay lang, May practice kami bukas. Papalitan kasi yung mga seniors na grumaduate. Hindi ko pa din alam.” Sagot ko na lang.
“Wow! Talaga? Goodluck then, kami kasi next month. Volleyball team of FEU right here.” Nilingon niya ang dalawa sa magkabilang tabi niya.
“Yeah.” Shanaih.
“Totally yes.” Yuuki.
“Ehemm.” Bigla na lang lumapit si Ully sakin at tsaka umakbay.
“Ahh, Ully nga pala.” Pagpapakilala niya sa tatlo.
“Ay hello.”
“Si Cav, si Biboy, si Ranz at tsaka si Kuya, kuya Louis.” Sabay sabay na turo ko sa kanila.
“Hi guys.”
“Nasan na!?”
“Di po namin alam, hindi daw po siya makakaabot. May lakad na iba.”
BINABASA MO ANG
She's my Step-Sister
AcakOliver Lance Posadas, who was deeply in love with his friend's girlfriend Coleen Garcia. Complicated things happens, and Oliver took that chance to get closer with Coleen, until she completely fall for him too. Unexpectedly things happened when they...