First Apple Bite (One-shot)

552 22 1
                                    

Caution. The following work can be irrational and corny to the highest level of corns. Even that joke was corny. Proceed with caution.

You have been warned.

First Apple Bite
by EiiBiiWizard

☽   ☽   C H A N D R I A   ☾   ☾

Kasalukuyan akong naka-tambay sa loob ng classroom. Tanging ang wall clock at ang whiteboard na ngayo'y puro math equations ang nilalaman lamang ang kasama ko. Kasisimula lang ng break namin at tinatamad akong pumunta ng cafeteria.

Isa pa, kailangan kong mag-review para sa summative test namin sa AP mamaya. Wasak ang braincells ko dahil do'n. Lalo na't panay Cold War at digmaan ang tinatalakay namin. Now I understand how world peace is something we cannot achieve unless we respect each other as individuals. Uso rin po kasi ang chill. Mga tao talaga no chill eh.

Nang mailabas ang nakakapiga ng braincells na libro sa AP, ay kinuha ko na rin ang aking baon ngayong araw– mansanas. Oo, diet ako. Kaya hanggang mansanas na lang ang baon ko. Diet raw pero todo lamon naman sa bahay, echosera.

Hindi pa man ako nakakakagat sa baon ko ay may nauna na sa akin. Ay, walang hiya lang! Kaya nagkakaro'n ng mga digmaan eh!

"Ay, anak ng! Bumili ka nga ng sarili mong baon! Ito na nga lang ang meron ako, aagawin mo rin?!" Nag-talo pa ang isip ko kung kakainin ko pa ang prutas. Sa huli'y kinain ko rin ang kinagatan niyang baon ko. Paki-stress ang ko dahil akin yun. Akin. At kahit unhygienic pa, wala akong nagawa kung hindi kainin na rin ito.

Ibang tao nga, sa basura nakain; aarte pa ba ako? Eh isang kagat lang naman yung kinuha ng kulangot na lalaking yun. Maging proud sana sa akin sina mama, dahil sinusunod ko ang bilin nilang huwag mag-sayang ng pagkain.

Although I am in no position to be choosy, nakakainis lang ma-realize na parang nag-indirect kiss na kami. Ang leche lang.

"Eh, sa trip ko nga. Wag mo na lang basagin." Ngumiti na naman ng nakakaloko ang mokong.

"'Yang mukha mo kaya ang basagin ko?" Pabadboy effect pa. Langya, kung di ko lang 'to naging kaibigan, nasapak ko na eh.

Inirapan ko siya saka itinuloy na lamang ang pag-kain.

* Wala pang limang minuto at ubos na po si Mr. Apple. At hindi pa nakakalipas ang isang segundo bago maubos ko ang pagkain ay gutom pa rin ako. Paano ka magda-diet kung lagi kang gutom? Wow, ha.

At sa kadahilanang gutom pa rin ako, inilabas ko ang aking secret weapon! Ang aking back-up mansanas! Oo, apple ulit. Diet nga kasi ako. Diet, pero kung maka-lamon— Okay, we get it. Sige na, ako na matakaw. Hakuna matata.

At tulad ng nangyari kanina, ay inunahan na naman ako ng mokong.

"What the heck, Zelo! Ang yaman yaman mo, hindi ka makabili ng sarili mong baon?!" Pagsusuway ko sa kanya. Isang malutong na mura pa ang aking na-usal.

"Trip ko." Muli siyang ngumiti. Trip mo? Trip mo?! LAGI MO NAMANG TRIP EH. MAG-WORLD TOUR KA NA KAYA!

"Ewan ko po sayo!" Isa na lang talaga, maga-assume na akong may gusto 'to sakin. Sarap rin pektusan eh. Mga limang daan pa.

I should be used to it by now, but it still irritates me how he does it. Simula kasi nang nag-transfer siya dito, 'yon rin ang hudyat ng pagsisimula ng kalbaryo ko.

First Apple Bite (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon