"Ay, anak ka ng!" gulat kong sigaw nang may biglang magsara ng locker ko. Buti na lang at hindi ako naipit kung hindi makakatikim talaga siya sa'kin.
Agad ko siyang tinignan ng masama habang nagsusukbit ng bag.
"Ikaw talaga, James Isaac!" sigaw ko ulit, napipikon na pero tinawanan niya lang ako.
"Sumama ka na kasi sa'kin. Sige na. Sama ka na? Please?!" nagpapa-cute niyang sabi.
Napailing na lang ako dahil sa kunsumi.
Hay, nako! Hindi na uubra sa'kin 'yang pagpapa-cute niya. Buti pa dati nung crush ko pa siya pero ngayon, hindi na!
Inaaya niya kasi akong kumain sa kanila. For what? Hindi ko rin alam pero hula ko dahil sa mommy niya.
"Please.... Please... Yoona Joy?? Please..." makulit niyang pag-uulit pero hindi ko siya pinansin at umalis agad ako.
Pero dahil makulit talaga siya, hindi ako nakalayo. Pinigilan niya ko at nagmukha kaming aso't pusang naghahabulan sa daan.
"Please! Gusto ka lang makita ulit ni Mommy! Sige naman na! Kahit ano gagawin ko sumama ka lang."
At dahil sa sinabi niya ay napahinto ako. Tinitigan ko siya habang napapaisip na sa mga bagay na pwede niyang gawin para sa'kin.
"Pero 'wag na lang." Tinalikuran ko siya ulit.
"Yoona!! Sige naman na!!" Lumuhod siya habang sumisigaw kaya nahinto ulit ako.
Pinagbubulungan na kami ng mga tao sa paligid. Nakakahiya.
"Tumayo ka nga diyan! Ang kulit mo, 'no?!" Lapit ko kasabay ng pag-alalay sa kanya patayo. "Isa pa talaga at isusumbong na kita." Tumakbo ulit ako at this time hindi ko na siya nilingon.
˚ʚ♡ɞ˚
"Uy, Yoona!! Pssstt!"
Bakit ba tawag na naman 'to nang tawag? Hindi niya ba nakikita si Ma'am sa harapan ng blackboard?! Mapapagalitan pa kami nito, eh.
"Aray!" Napasigaw ako kasabay nang paghawak ko sa likod ng ulo ko.
Tinamaan ako ng malaking bola ng papel na dahilan ng pagkaubos ng pasensya ko. Mabilis ko siyang binigyan ng masamang tingin.
"Miss Pascual? May problema ba?" galit na lingon sa'kin ni Ma'am.
"Ma'am, binato po kasi ako ng papel ni James!" tumayo ako sabay turo sa kanya.
Kala mo, ha! Ipatawag ka sana sa principal's office! Beh -_-" Asar nag-aaral ng matino, eh!
"Mr. Isaac, please stand. Is that true?" Tinaasan siya ng kilay ng prof namin.
"Ma'am, hindi po ah! Bakit ko naman siya babatuhin ng papel!" nagmamaang maangan niyang sagot na lalong nagpainit sa ulo ko.
Wow! Napakagaling magsinungaling!
"Ms. Pascual? Sure kaba na si Mr. Isaac 'yon?" Binalikan ako ng tingin ni Ma'am.
"Yes, ma'am!"
"Ma'am, hindi po ako 'yon. Nananahimik po ako dito!" singit na sabi niya.
"Ano?! Nanahimik ka diyan?! Samantalang kanina mo pa nga ako bwinibwisit!" nanlalaking mata kong sigaw sa kanya.
"Hindi naman kita bwinibwisit, ah!"
"Tinatawag mo kaya ako nang tinatawag!! Kaasar!!"
Halos makalimutan ko na nasa room nga pala kami. Biglang nagsitawa ang lahat habang ang ilan ay nakatakip sa mga bibig nila na para bang kinikilig.
BINABASA MO ANG
Ang kulit mo nuh?!(One shot)
Short StoryUng feeling na crush mo DATI ung humahabol sayo ngayon! ♥