PAGSISISI (ONE SHOT)

61 2 0
                                    

Dumating kana ba sa point na kung kailan ready mo na siyang mahalin, eh saka ka naman niya sinukuan?

Ako si Camille, hindi naman sa pagmamayabang marami akong manliligaw, sabay sabay panga eh, pero wala akong sinasagot kasi nakapako parin ako sa nakaraan ko, sa nakaraang pag-ibig na ako nalang pala ang umaasa.

Napakarami kong manliligaw, at isa na dun si Albert, napakakulit na kahit ilang beses munang busted-in eh kukulitin kapa rin, kahit ilang beses mung iseen o di replyan ichachat at itetext kapa rin, tatawagan kapa nga minsan eh -_-b, actually sweet naman siya at nararamdaman ko talaga na seryoso sya sakin, at handa siyang ibigay ang buong buong sarili niya, taray diba?

actually sakitin ako, at siya ang naging doktor ko, Graduated siya ng Nursing kaya naman pag may sakit ako alam niya kung ano yung mga dapat kong gawin o inumin at iwasang gawin at kainin,
napaka-mapag-alaga ni Albert.

Kaya lang kasi, Bukod sa nakatali pako sa nakaraan ko, gwapo si Albert at isa rin yan sa dahilan kung bakit diko siya tipo na maging boyfriend, dahil simple lang naman akong babae eh,
Siya kasi gwapo talaga ..
mas makinis panga yung balat niya sakin eh.
saka medyo totoy rin siya kaya ayaw ko sakanya, yung katawan niya payat yung tipong gwapo siya pero parang bading kasi ang puti puti niya na payat. Yung ex ko kasi macho eh kaya ayun haha.

So yun nga lumipas ang mga araw, tamad na tamad ako magchat sakanya yung tipong ang mga reply ko lang eh bilang na bilang lang sa daliri ng paa't kamay ko, yung tipong minsan pag magkachat kami nag vovoice message nalang ako kasi tinatamad nga ako magtype at wala talaga akong ganang pagtuunan siya ng pansinin.

Lumipas ang buwan, ganun parin siya masugid na manliligaw na kahit busterin mu eh go parin, go lang nang go! Yun daw ang motto niya!

Lumipas pa ang mga ilang buwan naging madalang na kaming magusap dahil nagbakasyon na siya ng laguna para magreview sa board exam, mdalang narin kaming nakakapagchat kasi nga di ko narin siya nirereplyan minsan kasi ayokong makasagabal sa pag rereview niya, maski-text dirin ako nagrereply, di kasi ako nagloload, wala talaga akong time para pag-aksayahan siya ng oras o pera.

Lumipas ang mga buwan, tuluyan nang hindi sya nagparamdam, natuwa ako kasi wala nang makulit, pero one time nagkasakit ako, bigla siyang nag 'pop' sa utak ko, yung para bang namiss ko siya, kaya agad ko siyang chinat,

''Hi ☺ kamusta?'' Yan ang chat ko sakanya.

Ilang oras lang nagreply na siya.

''Ok lang ako, ikaw? Namimiss mo ko no? Yie kilig naman ako'' yan ang sagot niya natatawa panga ako eh,

Lumipas ang mga araw palagi nanaman kaming nag-uusap, nagsesendan ng picture, nag vivideo call dahil nga malayo kami sa isat-isa nasa Laguna nga kasi siya at dun narin titira, taga dun naman talaga siya nag dodorm lang siya dito sa Manila.

Dumating sa point na sweet narin ako sakanya, kinakantahan ko siya kahit may sipon ako, at dina kumpleto ang araw ko kapag di siya nakakausap.

Pero one day yung ex ko na mahal na mahal ko eh biglang nagparamdam, natakot ako, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.

nag-deactivated ako ng fb ko, at nagairplane mode nang ilang araw, hindi ko kasi alam ang gagawin ko.

lumipas ang dalawang araw in-off kuna yung airplane mode, at yun nga unang bumungad ang pangalan niya

Albert : miss na miss na kita, kamusta kana? Ano nang nangyari sayo? Binlock muba ako? Hindi rin kita mareach, mababaliw na ata ako. Miss na miss na kita paramdam ka naman!

isa lang yan sa mga message niya

Nagmessage rin si Jeffrey yung ex ko,
Gusto niyang makipag balikan sakin at mahal na mahal nya pa daw ako.

Naguguluhan ako ng mga panahong yung, pero ang desisyon ko nun si Jeffrey parin ang pinili ko dahil siya ang mahal ko, nanatili akong tahimik kay Albert, hindi ko na sya nirereplyan sa text o maski sa chat.

lumipas ang mga araw, para bang may kulang saakin .,

Kapag kasama ko si Jeffrey si Albert ang naiisip ko

''Puro ka Albert! Siya ba yung boyfriend mu? Siya ba ang kasama mo ngayon? Tsk!!'' Yan ang madalas sabihin ni Jeffrey sakin kapag magkasama kami,

lumipas pa ang isang linggo, dalawang linggo at isang buwan..
Si Albert, siya yung laging laman ng utak ko at pati narin ata ng puso ko.

Nakipag break na ako kay Jeffrey,
At sa araw ding yung chinat at nireplyan ko na si Albert.

''Hi, imissyou!'' Chat ko,

Agad naman niya itong sineen,

Ou ''sineen'' nya lang

Seenzoned ang ate mo!

Chinat ko pa ulit pero wow!
Seen ulit .

Madalang na syang mag online at dina rin mareach ang cp number niya, nadadatnan ko siyang online, chinachat ko siya pero diman lang nya buksan ang message ko. Mas mainam pa yung iseen nya nalang atleast di man sya magreply nageffort naman siyang iopen yun.

Ang sakit pala sa feeling ..
ganito pala yung feeling ..

Chinat ko yung mga tropa niya kung bakit naging ganun si Albert,
Wala daw silang alam, ang alam lang nila eh nakapasa ito sa Board exam at isang ganap na nurse na ito sa isang medyo sikat na hospital sa laguna.

Nung malaman ko yun agad ko siyang
kinongrats.
And luckily nagreply siya ''Salamat'' saad nito,

Nagchat pako sakanya pero sineen na niya na lang yun.

Ang sakit pala nang ganun. parang dinudurog ang puso ko..

Minsan tinanong ko ang bestfriend ko ''ganun nalang ba talaga kadali yun bes? isang buwan lang akong di nagparamdam sakanya wala na siyang pake sakin? Sabi niya mahal na mahal nya daw ako pero bakit ganun? kung kelan ready nako mahalin siya saka naman sya nawala''

''Alam mo bes kahit na gaano kapa kamahal ng isang lalaki, may hangganan rin ang mga yan, biruin mu isang buwan kang hindi nagparamdam sakanya tapos magtataka ka kung bakit wala na siyang pake sayo? Natural natauhan nayun! ikaw ba naman iwan sa ere eh, sino bang tanga ang magpapatuloy sa pagiging tanga? Tanga lang diba? Eh sorry ka matalino siya nakapasa nga ng board exam eh kaya move on ka nalang bes, sabi nga pag ang Tanga natuto, hindi tanga yun bobo lang! Tandaan mo ang bobo natuturuan eh ang tanga? Wala tanga talaga at hindi siya tanga, bobo lang, at ngayon matalino na kasi natauhan na shya! Kaya ikaw matauhan kana rin patas lang kayo! Sabi ko nga sayo palagi, dont take people for granted matuto kang magpahalaga, nang sa huli wala kang pagsisisihan'' payo nang bestfriend ko.

Kung sabagay! Tama siya, siguro nga natauhan na si Albert, sino ba naman kasing gago ang aasa pa sa taong mas pinili ang taong akala niya eh mahal nya pa at kelan lang niya narealize na
ang totoong mahal niya eh nawala nang tuluyan sakanya.

Minsan talaga mapapaisip ka nalang na gaanu nga ba katangkad si PAGSISISI at palagi nalang nasa HULI ?


haist! Ngayon hanggang tingin nalang ako sakanya sa fb, mas lalo siyang gumwapo, nag g-Gym narin siya at napakalaki ng pinagbago ng katawan niya, hindi na siya parang totoy dahil parang fully developed na yung katawan niya, siya na! Siya na yung gwapong yummy na Nurse na sinayang ko ~T_T~


Haist!!!
Kaya ikaw, once na makatagpo ka ng taong handang ibigay sayo ang buong pagkatao niya wag munang sayangin, bihira nalang ang mga taong ganyan, at sana rin wag na wag mong iteTake for granted ang mga taong darating sa buhay mo, at hanggat maari pahalagahan mo nang sa huli hindi ka magsisi kagaya ko. ︶︿︶

PAGSISISI (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon