Pangarap ko’y makarating sa BUWAN,
Titigan ang mundo mula sa kalawakan.
Mga planeta’y aking pagmamasdan,
Magpapakalunod sa kanilang kagandahan.
Manghuhuli din ako ng bulalakaw,
Dadalhin ko dito sa mundong ibabaw.
Ilalagay ko sa gitna ng daan,
Para mapansin ng karamihan.
Susungkit ako ng mga talang maririkit,
Ihahandog ko sa binibining dumadanas ng pait.
Sa kanya’y akin itong isasabit,
Kapalit ng kadenang sa leeg nya’y umiipit.
Pangarap kong ito’y malayo sa katotohan,
Sa panaginip ko na lang yata makakamtan.
Hindi tulad ng ibang naglaho na sa kawalan,
Ang isang ito’y mananatili sa akin magpakailanman.
--
Frustrated astronaut ako eh. :)