Ika-apat na Hiwaga

343 83 120
                                    

This Chappie is Dedicated to HagitKit for making may Soon to be BOOK COVER!!! Thank you in Advance!!! 😘😘

Ika-apat na Hiwaga.

Josefa Eleanor Macabebe:

Maayos na natapos ang klase ko ngayong araw! Buti na lang at hindi ako ginulo ng mga hitad at puro retokadang mga insekurang schoolmate ko saken!

Sa bagay, sa talino, seksi at malantod ng slight lang na si Josefa, ay dapat ka nila akong ka-ingitan, pero kahit ganon. Mabait at matulungin sa kapwa ako noh?!

Ako ang bida dito diba?! Kaya walang kokontra kay Josefa.

-

Pag ka-uwing pag ka uwi ko sa bahay ay agad kong pinuntahan ang aking Conyo Evil Cousin na si Tricia. Madami kasing gamit pang-rampa ang pinsan kong mapang-lait na 'yun.

Ewan ko ba?! Napaka-bitter pag dating sa akin! Siguro mahilig sa ampalaya ang babaita! Ingit na ingit sa katalinuhan, kaseksihan at kalanturan ko, chos! Saka na 'yung maganda.

*Tok! Tok! "Andiyan kaba sa loob? Pinsang pretty Tricia?! Hihihi!" Plastik kong sabi.

Biglang bumukas ng marahas ang pinto, at sumalubong sa akin si Joker?! Holy crap!!! Anyare?!

"What are you doing outside of my beautiful room, panget na Josefa?! You know your abala to my beauty rest!" Sabay irap at crossed arms.

"Hala! Asan ang beauty?! Asan mo tinago!? Asan?! For Pete sake! Tricia!" Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ng aking demonyitang pinsan. Hoy! Josefa, ikaw ang may kailangan sa kanya! Be nice!

"Naku?! Ayan pala ang Beauty ee, nasa face mo pinsan, hihihi! Grabeee mala-Jennifer Lopez eh." Pambobola ko. Kumagat ka!

"Oh? Really! OMG! Alam ko naman 'yun, but thank you for reminding me again, Josefa! I'm so pretty talaga! Gash!" Sabay hawak sa face niya. Haha! Uto-uto din 'tong pinsan ko e.

"Ano ka ba?! May maliit lang na pabor lang naman ang kapalit 'nun pinsan! Hihihi!"

"Pabor? What is that? Josefa? Tell me!" Yes! Yes! Ang galing mo talagang pumlastik!

Bukod sa matalino, seksi at malantod ka ng slight, plastik ka din Josefa! Hihi!

"Oo, pwede bang maka-hiram ng isang fitted dress mo, at saka stilettos, pati na din make up! Hihi! Please pretty gorgeous Tricia..." Uto pa more!!

Ang Mahiwagang Face Cream ni Josefa. ( #Wattys2017 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon