chapter 6

14 1 0
                                    


Nagising ako dahil sa ingay sa baba. Tsk gusto ko sanang matulog ulit kaso wala na. Di na ko makakatulog ulit. Tsk.

Tumayo na ko at pumunta sa cr. Naligo na ko at ginawa ko naorning rituals ko. Simple shirt and short lang ang suot ko then bumaba na ko.

"Oh? Bakit parang bihis na bihis kayo? Anong meron?" Tanong ko sa kanila.

"Aiii!! Good morning Chloe. Mamamasyal kami ngayon. Sama Ka?" Tanong din sakin ni Daniela.

"Wow ahh. Tinanong ko kayo pero sinagot inyo din ako ng tanong? Hanep!!" Sabi ko with pambabara tone.

"Sinagot Ka naman namin bago kami magtanong ahh" sabi ni Lea Sabay pout.

Arrgh bakit ba ang cute nila?
"Tss . ayoko sumama. Mapapagod lang ako." Sabi ko then dumeretso sa kusina.

Nagugutom ako ehh. Di ako nakakain kagabi. Binuksan ko ang ref. at naghanap ng makakain. May nakita akong pancakes. Yeeee favorite ko to. Kumuha ako ng juice at pancakes.

Umupo ako at akmang kakainin ko na yung food ko ang kaso nalaglag dahil tinapik ni wind yung kamay ko.!!

Wala na!! Wala yung pancakes ko!! Huhuhuhuh di pa naman ako sinasapian ng masipag na ispirito para magluto.

"Mamaya Ka na kumain. Tara." Sabi ni Lea Sabay hatak sakin.
Papalag sana ako kaso pati sinabi wave at wind nakihatak na din. Si Daniela nasa likod ko at tinutulak ako palabas ng pinto.

Wala na Kong nagawa kaya sumama na lang ako sa kanila.
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko.
"Mag m-mall tayo." Sagot sakin ni wind.
"Bakit? Ehh ang dami dami na nating damit ahh" sagot ko sa kanila.

Alam nyo ba? Every weekend mayron kaming bagong damit dahil sa magic cabinet namin.

Hindi din nagpapakita ang fairy na nag aayos ng damit namin. Nga fairy kasi ang nag aayos ng damit namin. Kaya kahit wala kang fashion. Hindi Ka magmumukhang baduy.

"Ehh kasi pasukan na bukas sis." Sabi sakin ni wave.
"Oh. Eh ano naman kung pasukan na bukas?" Tanong ko ulit.
"Syempre bibili kami ng make up parang laging blooming sa mata ng mga Seniors!! Kyaaaa!!" Sabi ni wind na kinikilig.

"Sino naman yung mga senior? Sikat ba yun?" Tanong ko ulit. Ehh sa gusto ko nalaman Ehh "Sila yung pinaka malakas sa buong academy." Sabi ni Lea.
"Silang din yung pinaka maganda at gwapo sa buong academy kyaaaa naaalala ko na naman si William!!" Sigaw ni Daniela.
"Exited na ko para bukas kyaaa! Makikita ko na ulit si Dustin!!"
Tili ni wind.

Ayy. Ganun? Exited silang dahil sa boys at crush nila.
Well hindi ko naman sila masisisi. Ganun din ako ehh hahahaha.

Nanahimik na lang ako dahil wala akong balak na magsalita.
Nakarating kami sa mall nila dito. Grabe ang ganda. May mga gamit din na lumilipad at nasa ere lang.

Hinatak ulit nila ako sa kung saan. Nagpadala lang ako sa kanila. And I'm sure it will Be a long tired day.

***********

EXTRA ORDINARY HOLDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon