First!

53 5 5
                                    

Chapter 1.

Relaine Cammel's POV

Maaga palang ay gising na ako. Dahil magluluto pa ako. Ugali ko na rin kasing gumising ng maaga, kasi maaga yung klase ko. At aalis rin si Nanay. Magtatrabaho pa sa Bukid. Wala na kasi si Tatay, kaya si Nanay nalang yung bumubuhay samin ng Kapatid ko.

Pumunta na ako sa kusina at naghanda ng Kape at Tinapay para kay Nanay. Matagal pa kasi maluto yung Kanin kaya ito nalang ang laging kinakain ni Nanay.
"Nay ito na po ang Kape."
Sabay lagay ko sa lamesa at kinuha ko rin yung sa akin, tulog pa ang kapatid ko kaya, kami nalang muna ang kakain. Tulog Mantica yun eh! Ang hirap gisingin, kaya hinahayaan ko nalang, hindi pa naman siya nag-aaral kaya okay lang, 4 years old pa kasi siya.

"Anak baka matatagalan ako ng uwi mamaya, kasi maraming gawain dun sa bukid. Ang dami naming aanihin na Mais, kaya gabi na siguro ako makakauwi. Agahan mong umuwi, walang kasama dito yung kapatid mo. Hindi ko siya masasama ngayon, baka mapagod ng husto."

"Opo Nay maaga po akong uuwi. Wala naman po kaming mashadong gagawin ngayon."
Sabay inom ko ng Kape.

Tumayo na si Nanay at kinuha yung mga gamit niya.

"O sige na, aalis na ako. Ingat kayo."

"Sige po Nay, ikaw din po mag-ingat"

Tumayo na din ako at pumunta sa Stove at tiningnan kung luto na ba ang kanin. Malapit na maluto kaya hininaan ko na siya at nilagay ang mga Tasa sa lababo.

"ATE!!!!"

"Ay kabayo!" Dali-dali akong pumasok sa kwarto at tiningnan yung kapatid ko. Baka ano ng nangyari.
Umiiyak. Anong nangyari dito?
"Ate huhuhu" agad akong lumapit sakanya.
"Bakit Baby? Andito na si Ate, wag ka na umiyak."
Hi-nug ko sya at hinahagod yung likod.

"Ate, gutom na po ako"

"Kaya pala haha. Wag ka nga basta-bastang umiyak. Ne-nervous ako sayo eh, akala ako ano ng nangyari sayo."

Kinarga ko na sya at pumunta sa Kusina. Pinaupo ko sya sa upuan at kumuha ng pinggan.
Pagkatapos ay kumuha ng kanin at ulam.

"Ito na baby oh."
Nilapag ko na sa lamesa at sinimulan syang subuan.
Nagugutom nga. Ang daming naubos eh. Hahaha.

"Done na po Ate"

"Yes Baby, gutom ka nga Hahaha." Sabay kurot ko sa pisngi niya. Ang cute-cute talaga ng kapatid ko.
Binaba ko na, agad naman syang pumunta sa sala at in-non ang T.V
Umiling nalang ako at niligpit yung pinagkainan niya.

Pagkatapos ko sa Kusina ay pumasok na ako sa kwarto at naghanda. Papasok pa po kaya ako hahaha.
Naligo na ako at nagbihis. Pagkatapos ay pinuntahan ko na yung kapatid ko.

"Baby? Papasok na po si Ate." Sabay upi ko sa Tabi niya.
"Okay po Ate. Ingat ka po sa School."
"Yes Baby, ikaw din ingat ka dito okay?, wag kang magpapasok kahit na Sino. Yung kilala mo lang. Tsaka magsarado ka lahat."
"Opo Ate. Alam ko na po yun."
Panatag naman ako dahil matalinong bata to eh. Alam niya yung mga gagawin niya kapag wala kami ni Nanay.
Tumayo na ako at kinuha ang bag.

"Sige Baby. Babye na, I Love you po" sabay kiss ko sa cheeks niya.
"Babye Ate. Love you too po"

Lumabas na ako at sinara yung pinto.
Naghintay pa ako ng Taxi kasi malayo yung school dito samin.

"Manong pasakay."
Sumakay agad ako dahil malapit na akong ma late.
Hindi na nagtanong si Manong. Kita kasi sa uniform na suot ko.
Pang Harvard Academy, o diba? Sosyal! Hahaha.

Nga pala hindi niyo pa ako nakikilala.

Ako nga pala si Relaine Cammel Lopez, You can call me RC, kung Close tayo ;) 18 years old. 4th year collage. Course is HRM.
Reighn Samantha Lopez naman yung Kapatid ko 4 year old.
Reggiey Claire Lopez naman Pangalan ng Nanay ko 35 year old.
Luke Clifford Lopez naman sa Tatay ko.
36 naman sa Tatay ko.

Ang gaganda na pangalan namin no? Pang rich. Haha. Pero hindi po kami Mayaman, mahirap lang po kami.
Yung Tatay ko wala na.
Kaya si Nanay nalang yung bumubuhay sa amin. Naaawa na nga ako sa Nanay ko eh. Matanda na siya.

"Miss nandito na Tayo"
Kinuha ko na yung pera at binigay kay Manong driver.
"Salamat po Manong." Bumaba na ako nag lakad papasok ng Campus.
Hayy! Buti hindi pa ako Late, marami pa kasing tao sa Labas.
Tinuloy ko na ang paglalakad. At sa kasamaang palad, may nakabunggo pa ako. Leshe!

"Aray!" Huhu ang sakit ng puwetan ko.

Kinuha ko agad yung eyes glasses ko at sinuot dahil tumalsik ako.
Tiningnan ko yung naka bangga sakin. At agad umusok yung ilong ko ng makita ko kung sino yung bwesit na bumangga sa akin.

Walang lang namang iba, kundi yung laging nambwewesit sa araw ko, laging nantitrip, nangungulit at laging sumusunod. Ay walang iba kundi si Blake Jansten Sandoval! Ang Campus Playboy!

"Bwesit ka talagang Unggoy ka!"
Sabay sapak ko sa kanya.

----------
A/N: Sorry po kung Ang pangit ng story.
Bagohan lang po kasi ako. Hehehe. Trip ko lang din po kasi ito. Walang magawa.
Itutuloy ko ba?

Salamat sa nagbabasa :)
Please Vote and Comment!

-PutotLavs ❤

The Game We Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon