CHAPTER 41
7:28 pm
Matapos ang mahigit dalawang minutong paglalakad, narating nila ang isang sangang daan. Diretso at pakaliwa. Dahil nakita ni Connery ang huling dinaanan ng sasakyan bago nawala ang liwanag ng taillights, pakaliwang daan ang kanilang sinuong.
Isang makiput na daang kasya lang ang isang sasakyan. Nagsisitaasan din ang mga talahib sa magkabilang gilid ng daan at medyo malambot ang lupa. Hindi nila malaman kung nasa gitna sila ng talahiban o taniman ng mais. Binabaan kasi nila ang lumen ng kanilang flashlight sa pinakamababa sapat lang para maaninag nila ang kanilang daraanan. Iniiwasan kasi nilang makapukaw ng pansin.
Narating nila ang dulo at lumiko naman sila pakanan. Sinusundan nila ang bakas ng gulong ng sasakyan. Makalipas ang ilang hakbang, napansin nilang nawala ang bakas ng gulong kahit hindi pa naman ito ang dulo ng daan.
"Paanong nangyaring nawala ang bakas?" tanong ni Yasmine.
"Sa tingin ko, nanlilinlang sila para hindi sila masundan kung meron mang may gustong sundan sila. Atras tayo ng kunti." Sabi naman ni Connery.
Bumalik sila at ilang saglit, muli nilang nakita ang bakas at may napansin si Connery.
"Tingnan mo ang mga talahib sa kanan, parang may kung anong dumaan sa kanila. Parang medyo nag-sway ang mga ito papasok."
"Correct at tingnan mo ang bakas parang.. oh shit Con, susuong tayo d'yan? Oh my, good luck sa porselana kong skin."
"Wala tayong choice, Yas."
"I know, game."
Maingat at dahan-dahan nilang pinasok ang talahiban. Hindi na lang nila ininda ang makailang beses na pagdampi ng matatalim nitong mga dahon sa kanilang mga balat.
*****
Samantalang natapos na rin ang pag-impake nina Meynard at siniguro nilang walang may maiiwang bagay o kahit basura na magtuturo sa kanila na nandun sila sa pinangyarihan ng krimen.
Sinimulan na rin nilang tahakin ang daan palabas. Muli ding sinulyapan ni Zeny ang mga kaluluwa ngunit hindi na sila nito sinundan at isa-isa ng nagsilaho.
*****
Hindi nagtagal, nakalabas rin sila at isang daan pakanan naman ang bumungad sa kanila. Nandudoon rin ang mga bakas ng sasakyan at nakakailang hakbang pa lang sila, nang makarinig sila ang isang sigaw ng babae. Malapit lang ito sa kinaroroonan nila kaya agad nilang inalerto ang kanilang sarili. Hanggang sa maaninag nila ang isang liwanag sa di kalayuan.
Maingat at bahagyang nakayukong lumapit sila at lumuhod gamit ang kanang tuhod sa likod ng talahib. Hinawi nila ang ilan sa dahon para makasilip sila ng kaunti. Isang hindi pa tapos na bahay na walang bakod ang bumungad sa kanila pero nababakuran ito ng anim na sasakyan sa harap at isa naman sa kanang bahagi ng bahay. Hindi nila makita ang loob ng bahay dahil medyo malayo sila. Dahil wala naman silang nakitang taong gumagala sa labas, minabuti nilang lumapit.
"Mauna na ako Yas, okay. Hintayin mo akong makalapit dun sa panglimang sasakyan bago ka sumunod."
"Okay, ingat."
Nang makitang clear, tumakbo itong payuko at itinago muna ang sarili sa isang malaking kahoy. Sumilip at nang muling makitang walang tao, saka ito dumasdas sa panglimang kotse at nagtago. Tumbok ng kotse ang kanang dingding ng bahay at mga dalawang metro lang ang layo nito sa bahay. Mahirap gumalaw dahil maliwanag ang labas dahil sa dalawang LED na ilaw sa makabilaang kanto ng bahay. Biglang kinabahan si Connery sa nakita sa taas malapit sa bubong. Shit, may CCTV camera dito, sabi nito sa sarili. Maaaring sira ito o hindi lang sila napansin dahil wala namang umalerto na may ibang tao sa labas.
BINABASA MO ANG
Alt Key: The Devil's Code (Completed)
Mystery / ThrillerScifi/Paranormal A dark mystery yet to be unfolded. An incident that abruptly altered the life of a simple girl. The catalyst of the Devil to accomplish centuries old plan, exploiting ancient and modern inventions. But the...