SI RICO

101 8 2
                                    

"PUTANG INA, RICO!"

Narinig kong sabi ni Badong sa'kin habang patuloy ang paghithit ng marijuana. Pula at dilat na dilat na ang mga mata nito, tanda na malapit na nitong marating ang rurok.

"Tang-ina mo rin," sabi ko sa kanya saka hinithit buga ng sigarilyo ko. Mauubos na iyon kaya naman nilubos ko na bago muling nagsindi ng panibago. Dama ko ang mapait na paghagod ng usok sa lalamunan ko na tila ba nagsasabing unti-unti nitong nilalamon ang katawan ko ngunit inignora ko iyon. Wala na rin akong pakialam kung unti-unting pinapatay ng bisyo kong ito ang katawan ko.

"Sakto ang high na'to para mamaya," sabi ni Badong. "Tang-ina ewan ko nalang kung may makaligtas pa sa'tin na kahit ano nito. Siguradong may pambili na'ko ng bato bukas."

"Anong oras ba tayo pupunta sa looban?"

"Alas onse," humithit si Badong. "Sina Egay na daw ang magdadala ng baril. Tig-isa tayo."

Tumango ako saka humithit ng malalim mula sa sigarilyo ko. Ibinuga ko ang usok na lumutang sa hangin ngunit tuluyang di nawala. Hindi kagaya ng sabi ng iba.

"may padala na ba ermats mo sa'yo?"

Kunot noong nilingon ko si Badong kasabay ng pag-apak ng upos na sigarilyo. "Anong ipapadala niya? Chocolate? Hindi ko kailangan non." Dumura ako. Pakiramdam ko nalalasahan ko ang chocolate. Mapait.

"Edi ibigay mo sa'kin."

"Gago," sabi ko.

"Ibigay mo kay Anna. Para naman makaporma ka na sa kanya."

Sa binaggit nito, may maalala ako. Dinagukan ko si Badong. "Uwi muna'ko. Babalik ako mamaya."

"Magdala ka na ng pantakip mo. Nawala na'yung sa akin." Bilin pa nito sa akin bago ako tuluyang makalayo.

Tinahak ko ang daan palabas ng madilim na eskinita saka dumiretso sa bahay na palagi kong tinititigan. Hindi naman talaga ako uuwi.

Alas nuebe ng gabi. Ganitong oras umuuwi si Anna.

Si Anna na naging kababata ko ngunit nang lumaon ay hindi na nagawang kausapin man lang.

Si Anna na parati ko nalang pagmamasdan sa malayo.

Si Anna na mahal ko pero alam kong hindi pwede dahil ayokong husgahan siya ng mga tao kagaya ng paghusga nila sa buong pagkatao ko.

Naupo ako sa isang sementadong gutter sa ilalim ng poste ng street light. Patay sindi iyon tanda nang mga pangkong hindi na naman natupad.Muli akong nagsindi ng sigarilyo habang naghihintay.

Gusto kong makita muna si Anna bago ako muling sumabak sa panloloob mamaya. Gusto kong isipin na si Anna ang nagiisang dahilan para manatili ang katinuan sa isip kong nilukob na ng kadiliman. Isang dahilan para manatili akong mabuti kahit na lubos lubos na ang kasamaang ginagawa ko.

Makalipas ang halos kalahating oras, tumayo ako sa pagkakaupo ng makita ko ang pamilyar niyang bulto na naglalakad papalapit sa bahay na tinititigan ko. Si Anna. Mahaba ang buhok at my bitbit na aklat. Estudyante parin si Anna, masipag mag-aral may kinabukasan. Kinuha niya ang susi ng bahay mula sa bag, saka iyon isinuksok sa pinto.

Handa na sana akong umalis ng makita kong papasok na si Anna nang bigla akong matigilan. Lumingon siya sa direksyon ko. Nakita niya ako sa ilalim ng patay sinding streetlight. Nagtitigan kami ng ilang segundo. Wala akong sinabi, wala rin siayng sinabi. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Pero gusto kong sabihin sa kanya ang laman ng utak ko.

Ngunit hindi pwede.

Kinuha ko ang sigarilyong nakapasak sa bibig ko, tinapon sa daan at inapakan bago tuluyang tinalikuran si Anna.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RICO | ONE SHOT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon