×××Chapter 8

95 3 0
                                    

||| Raze |||

"Thanks" sabi ni Fashion at nagdire-diretso na siya papasok sa loob ng bahay niya

Nakangiti naman ako ng malawak habang nag d-drive pauwi.

I did it! Nakasundo ko na siya, nagawa ko 'yung gusto ng girlfriend ko.

Huminto muna ako sa isang gas station at habang nilalagyan ng gas ang kotse ko may napansin akong wallet.

Agad ko itong kinuha at siyempre alam ko na agad kung kanino ito.

Matapos kong makapagbayad tumungo ako pabalik kila Fashion

Hindi ko na binuksan pa ang wallet dahil ayoko naman ng pakialaman pa, ang gusto ko lang is ibalik sa kanya.

Siyempre alam kong mahalaga ito.

Pinarada ko lang ang sasakyan ko tapos bumaba na ako ng kotse ko, medyo malayo ang napagbabaan ko kasi may sasakyan na nasa harap ng bahay nila Fashion and meron ding taxi.

Nakita kong bumaba si Fashion sa taxi tapos lumapit sa kanya ang lalaking may suot na cap, hinawakan siya nito mabalis naman akong kumilos para malapitan sila.

Baka kasi kung ano na ang gagawin kay Fashion nung lalaki pero nagulat ako sa narinig ko

"Babe, let me explain naman muna" he's trying to grab Fashion's arm but Fashion is pulling him away.

Babe?

Agad akong nagtago sa may poste na nakatayo sa tapat ng gate nila

"Pwede ba Mirko, bitawan mo ako" sabi ni Fashion.

Mirko? I thought she is with her cousin Adam that is waiting for her.

I looked at the guy she is with, Mirko.. Mirko Candueta, Yeah! This girl is with a famous star, so that's it, I knew it, Fashion is hiding something. Halatang-halata siya kanina. Sa palagay ko din hindi ito alam ni Keillame

"Makinig ka muna kasi"

Ayos na rin sigurong nandito ako, nag-aaway sila at baka, baka lang naman na saktan ng Mirko na ito ang bestfriend ni Keillame atlis nandito ako para basagan siya ng bungo pag ginawa niya iyon.

"Makikinig ako Mirko, pero hindi muna ngayon"

Natapos ang eksena nila habang ako nandito pa rin at nakatago sa likod ng poste at nagpipigil ng tawa.

Oo natatawa ako, nag-aaway na sila't lahat nakuha ko pa rin ang tumawa kasi nabuking ko si Fashion, may karelasyon siyang artista at nabisto ko siya ng dahil lang sa naiwan niyang wallet sa sasakyan ko. Nakakatawa.

Mag do-doorbell na sana ako pero bumukas ang gate at lumabas si Fashion.

Nagpigil ako ng tawa bago ko siya sinitsitan.

||| Fashion |||

"Huwag mong sasabihin kay Keillame ang nalaman mo" I looked at him seriously

He saw everything so for fuck's sake, I am totally doomed.

Nayari na ngang mag-explain sa akin si Mirko.

"Why not?"

"Basta huwag, alam mo ikaw hindi ka lang pala gunggong at tanga, tsismoso ka din pala" I said and my hands formed into fist.

I'm going to knock this annoying man's face!

"Hindi ko sinasadya ang mga narinig ko Fashion, ang gusto ko lang ay ibalik sayo ang wallet mo and nakita ko 'yung LQ niyo, ano bang gusto mo lumitaw ako habang nag-aaway kayo? Hindi ko rin makuhang umalis, nag-aaway kayo. Paano kung saktan ka nun? May laban ka ba?"

"Wow, so concern ka!?"

"Of course, at hindi ako sayo concern, kay Keillame!"

Inirapan ko si Raze. Kung sabagay may point siya doon sa part na lumabas siya habang nag-aaway kami ni Mirko dahil tiyak mas kumplikado iyon.

Inilibot ni Raze ang ulo niya at tumingin-tingin sa paligid ng bahay.

"Hmmm, this place looks good and ang laki"

Oo nga pala, palagi siyang nagagawi dito pero hanggang doon lang siya sa may gate. First time niya ang mapasok sa loob ng bahay.

"What do you expect Man? You are in Fernarior's Mansion" pagmamayabang ko

He shrugged "But I hate the smell, masyadong feminine. Tell me, ikaw lang ba ang mag-isang nakatira dito sa malaking bahay na ito?"

"At talagang tsismoso ka din ano? Wala akong balak magkwento sayo!"

"Wow..." hindi siya namangha sa sinabi ko, namangha siya sa collection ni Kuya Calfin na nasa sala, nakalagay iyon sa isang medyo maliit na cabinet na nasa ilalim ng higante naming TV.

Mga bato lang naman iyon pero kahit sino talaga ang nakakakita nun ay namamangha, ang astig kasi talaga. Mahilig magkolekta si Kuya Calfin ng mga batong may kakaibang itsura and I don't know kung saan niya napupulot ang mga batong iyan.

"May collection ka pala dito ng mga kauri ng puso mo" natatawang sabi ni Raze

Is he trying to insult me?

"Ha ha ha, ang corny mo. Ano bang nagustuhan ni Keillame sayo!? Gunggong, tanga, tsismoso at corny!? Saang banda ka ba niya nagustuhan? Ghad"

Hindi siya nagsalita pero may itinaas siyang bagay, kahit hindi pa ito nabubuksan alam ko na kung ano ang nasa loob nun, nakakita pa siya ng dalawang kahon na punong-puno ng mga iyon, punong-puno ng mga condoms!

"P-pakialamero ka din pala!?" hindi ko siya kinakaya

Tumayo siya at tumawa ng malakas matapos niyang ibalik ang mga kinuha niya sa ayos

"Ngayon alam ko na kung bakit wala kang maids dito, siguro kaya din gustong-gustong magpaliwanang ni Mirko at magbati kayo para maka-score! Hahahahahaha"

Namula ako sa sinabi niya

"Yiieeee~ namumula siya" pang-aasar niya pa

"Alam mo hindi ka lang gunggong, tanga, tsismoso,corny at pakialamero, madumi din pala utak mo. Ipagpatuloy mo lang iyang kagaguhan mong hayop ka" pinanliitan ko siya ng mata

"Madumi ang utak? May nakita akong condoms, ano sa tingin mo ang iisipin ko? Koleksyon mo din?" ngumisi siya

Sa mga kuya ko ang condoms na nakita niya pero nakakahiya pa din, hindi ako komportable sa iniisip niya

"G-gago ka ah!"

Sinapak ko siya kaso naka-ilag siya at sa sobrang lakas ng pwersa na inilabas ko bumagsak ako at hinila ko siya, buti na lang sa couch kami bumagsak at nakadagan siya sa akin, bullshit!

"Woaw!" nalingon ako sa nagsalita at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kuya Calfin

Tinulak ko naman agad si Raze

"The two of you must be really in a hurry, you forgot to close the gate and lock the main door, sorry I didn't mean to ruin your sexy time I'm just very surprise that you're starting to explore now" nakangisi niyang sabi sa akin

"No Kuya hindi ganun, we... we're not d--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi umakyat na siya

Nilingon ko si Raze.

"Bwisit ka, halika nga!" sabi ko tapos hinatak ko siya palabas, hinanap ko ang sasakyan ko

"Sakay" sabi ko

"May kotse din ako!"

"Sakay!" pagmamatigas ko pero hinatak niya ako palabas at isinakay niya ako sa sasakyan niya

"Saan ba tayo?" tanong niya

"Klaueewin Restaurant, double time. Nagugutom ako"

Ginugutom ako masyado ng mga nangyayari

Is That A Mistake?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon