||| Fashion |||
"Mediterranean Seared Ahi Tuna Salad, Chicken Club and Hamburger sliders" sabi ko sa waiter
"Yeah, you must be really hungry" sabi sa akin ni Raze, nilingon ko ang waiter
"How about your drinks Ma'am?"
"Lemmon Juice na lang and uhm, paki add ng cheese sa Hamburger sliders ko"
"Okay Ma'am, how about you sir?"
"Only Wedge Salad and Bacon Bleu Burger for me then tubig na lang ang inumin ko"
The waiter repeated our order and then he leave
I look at Raze while we are waiting for our order, he is busy. I think he is playing games in his phone or surfing. I don't know what business he's doing it is just that I can't read his expression, like he is mad and he's having fun at the same time.
I am worried now that he knows my relation with Mirko, this guy is a jerk. What if he use what he know to blackmail me?
"Matutunaw ako niyan" I was jolted out of my thoughts when he speak.
"Pinapatay kasi kita sa isip ko pero okay na din kung malulusaw ka, pakukuluan talaga kita"
He didn't reply, he just continue what he is doing
Iniwas ko na ang tingin ko at sumilip sa labas.
Gustuhin ko mang mag net sa cp ay hindi ko ginagawa. Sinabi na ni Mirko na nililigawan niya nga si Caithelyn. Siyempre magiging matunog iyon sa social media at baka magwala ako kapag nakita ko iyon.
Pinigilan ko ang pag-iyak, medyo nagbabadya kasi ang mga luha ko. Huminga ako ng malalim at umayos ng upo.
Maya-maya pa ay dumating na ang mga inorder namin at nagsimula na kaming kumain
"Sumasarap talaga ang pagkain kapag libre" sabi niya
"Hoy gunggong, huwag mong sasabihin kay Keillame 'yung sa amin ni Mirko hah?"
"Bakit ba ayaw mo?"
"Basta, please huwag mo ng pakialam 'yung issue na iyon. Mas gusto ko ako ang magsabi kay Keillame"
"Osige. Malamang magugulat iyon na boyfriend mo si Mirko. Last movie nun pinilit niya akong manuod, gusto niya ang mga movies ng boyfriend mo"
"Oo, alam ko"
Huminga ako ng malalim
"Parang ang laki masyado ng problema mo"
"Oo mas malaki pa sayo" sabi ko
"Mas malaki sa akin? Wala naman akong problema"
"What I mean is mas malaki pa sa height mo"
Ang tangkad kasi ng gunggong na ito
"Ha ha. Makapagsabi ka ng corny sa akin eh mas corny ka naman pala!"
"Mas corny ka gunggong"
"Ewan ko sayo, kaya ka siguro inaaway ng boyfriend mo, napakadumi niyang lumalabas sa bibig mo. Mag mouthwash ka nga"
"Gago" sabi ko tapos tinaasan ko siya ng middle finger
Natawa siya
"Raze, diba lalaki ka?"
"Anong klaseng tanong iyan?"
Huminga ulit ako ng malalim
"Tinatago ako ni Mirko, tapos ngayon sinabi niyang nililigawan niya 'yung kaloveteam niya. Sabi niya ako lang daw ang mahal niya, sa tingin mo dapat ba akong maniwala sa kanya?"
BINABASA MO ANG
Is That A Mistake?
RomansaFashion Faithellyn Fernarior is known as a Bad-ass Bitch in their campus. Her image is so strong at kilala talaga siya bilang isa sa pinakamalditang estudyante. Madami ang humahanga sa kanya at madami din naman ang naiinis, isa na doon si Jamsone Ra...