Ika-limang Hiwaga

306 78 102
                                    

Ikalimang Hiwaga.

Josefa Eleanor Macabebe:

Maaga akong nagising upang ayusin ang face ko na may sandamukal na pimples, kailangan ko silang takpan! Hindi sila pwedeng makita ng mga Judges. Mahirap na.

Naligo muna ko, at nag-ayos ng buhok. Buti na lang maganda ang hair mo! Josefa. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko. At hinarap na ang napaka-laking problema ko. My Pimples. Habang nag lalagay ako ng BB cream ay nag-titiris din ako, hehe!

Hindi na masaket, immune na ako eh! Litsi talagang mga Pimples 'to! Pasaket! Dag-dag trabaho!

Matapos ang kalahating oras at halos ma-ubos ko ang isang BB cream ay natapos na din ako! Hihi! Ganda mo na Josefa. Siguro mga 1 inch ang kapag ng BB cream na nasa mukha ko!

Naku! Sana hindi ako masiyadong pag pawisan para hindi matanggal ang BB Cream ko, kahit mainit sa face, keribels lang! Kailangan ako ang makuha dun.

Sinuot ko na din ang fitted na peach dress, buti na lang maputi ako, nasa lahi namin eh, diba?! At 'yung stilettos. Na-amaze naman ako, tumangkad ako ng 4 inches. Ngayon lang kasi nakapag-suot ng ganito si Josefa, kaya na-amaze siya.

Nang akmang hahakbang na ako ay muntikan na akong sumobsob sa sahig! Litsi!

"Taragis! Muntik pa akong mahalikan ang sahig, letcheng stilettos 'toh!! Ayaw makisama! Litsi!" Sabay hubad, at hagis sa lapag!

Nanlake naman ang mga mata ko ng natanggal ang takong! "Hala ka! Josefa, patay ka sa pinsan mong Evil Conyo!" Sabay tapik sa noo ko.

Ano ba naman itong kamalasan na ito! Kailangan kong mag isip ng palusot!
*Ting! Bright Idea.

"Sasabihin ko na lang na peke ang binili niyang stilettos, dahil nasira agad! At papayuhan na h'wag bumili ng imatation, kase mabilis masira!" Hahaha! Napaka-talino mo talaga Josefa.

Naka-lusot kana, nakapag advice ka pa! Bongga ka talaga Josefa!

Nag palit na lang ako ng ibang sapin sa paa na babagay sa suot ko. And Viola! Ready to rock na si Josefa! Brace yourself sa matalino, seksi, malantod at plastik na si Josefa Eleanor Macabebe! Boom! Hahahaha!

-

Nakarating na ako sa building na ng audition. Para pala ito sa Maybeline Cosmetics o bongga diba? Isa 'yata ito sa pinaka-sikat na make-up sa Bansa. Josefa is so excited!

Pinindot ko ang 12th floor. At nang makarating na ako ay lumabas na ako at nag-tungo sa isang kwarto. Room ? Litsi! Hindi ko makita, naputol sa pag pipicture ko 'yung Room number 173 'yata 'to eh! Try ko nga!

Dali-dali kong hinanap ang kutob kong Room number. And Viola! Nakita ko na, kakatok sana ko kaso hindi naman naka-lock, baka ito nga 'yun! Hihihi! Ang galing mo talagan humula Josefa! Ikaw na ang ipapalit kay Madam Auring! Chos!

Pag-pihit ko ng doorknob ay agad akong pumasok! Nanlake ang dalawang magagandang mga mata ko sa nakita ko! Holy crapping hell!!! What's the meaning of this!

Nagulat din sila sa pag pasok ko. Kapwa sila walang mga saplot at nasa ganoong posisyon ng pumasok ako! Ang virgin kong mga mata! Huhuhu! Ni abs nga di pa ito nakaka-kita sa personal! Tas ganyan agad?! Mga litsi kayo! Pero ang gwapo ni Koya!

Ang Mahiwagang Face Cream ni Josefa. ( #Wattys2017 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon