Althea's POV

"Boring" naiinip kong bulong sa sarili. Hindi ko alam kung bakit pinilit pa ako ni Dad na pumunta pa dito kahit sa totoo lang, ayaw nilang nandito ako.

Everyone's hate me. And I feel the same way too. They hate me because I'm Althea Raine Evans the black sheep of their family.

"Malapit narin matapos itong debut ng kapatid mo, after that, pwede ka ng umalis at pumunta sa kahit saan mo gusto. For now, all you need to do is to enjoy the party Althea." nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni dad. I thought ako lang ang nakarinig ng sinabi ko kanina.

And what? enjoy the party? How can I enjoy this freakin' party kung lahat ng tao dito, kinab-bwisitan ko?

"Ate, how are you? Akala ko isasama mo yung mga friends mo dito." And there she is. My step sister.

"I'm fine. Happy Birthday." nakabusangot kong sabi. I need to be nice kasi nandito si Dad. Kahit ngayon lang daw hinihiling niya na sana hindi kami magtalo. And it's impossible.

Simula palang ng bata pa kami, hindi kami okay. I hate her for being so 'nice' to me kahit hindi naman.

"Thank you Ate. Oh, aalis muna ako. Nandun kasi si Michael sa isang table kanina pa ako hinihintay." Hinalikan niya ako sa pisngi at umalis na.

Tss. plastik. Nananadya ba siya? pwede namang umalis nalang ng hindi nagpapa alam. I don't care kung aalis siya para kay Michael. Edi umalis siya. Hindi na niya kailangang mag paalam. Ipapamukha niya pa sa akin na masaya sila ni Michael? Bagay sila. Parehong gago.

Kunwari ang bait pero nagawang agawin sa akin si Michael. Papano niyang nagawa na maging boyfriend ang ex ko? Ang hilig tumanggap ng basura ng iba.

"Dad. aalis na ako. May gagawin pa ko sa shop." pagpapa alam ko kay Dad hoping na payagan niya na akong umalis. Seeing Elaine with Michael happy and loving each other makes me want to kill them both. How can they be so happy while I'm badly hurting?

Lahat talaga pinagkakaisahan ako. No one loves me. Sana talaga, buhay parin si mom hanggang ngayon.

"Pero hindi pa tapo--" before my dad end his not so important speech, I cut him off.

"Hindi ko na kaya. You want me to feel glad seeing Elaine happy with my ex? You want me to stay in this kind of elegant debut party of my step sister even if I don't feel like having my own debut party when I was 18? If you don't, then let me get out of this place." Pasigaw na bulong ko kay Dad. I dont know pero bulong yun na madiin. Tumayo na ako para lumabas sa exit kasi syempre, hindi naman pwedeng lumabas sa entrance right?

Pero bago ako makalabas, may dalawang hayop na humarang sa akin.

"Ate? Uuwi ka na?" tanong ni Elaine.
"Obviously... yes." Walang emosyon kong sagot. Isa pa sa kinaiinisan ko sakanya, ang dami niyang tanong na kahit walang kwenta, itatanong niya parin.

"Ahh. I-ingat ka ah? Do you want Michael to drive you home? kasi pagabi na eh." Tanong niya.

"Stupid. Gusto mo talagang ihatid ng boyfriend mo yung ex girlfriend niya sa bahay? Hindi ko alam ganyan ka na pala katanga." Nakatitig kong sabi kay Elaine. Paano niyang nakayanan na ipahatid ako kay Michael?

"Althea, stop. Nag s suggest lang si Elaine. Tsaka ang tagal na nating wala bakit parang big deal pa rin sayo?" kunot noong sabi ni Michael.

"Suggest? Paki sabi sa girlfriend mo ang tanga ng suggestion niya.." tumalikod na ako para umalis pero lumingon alo ulit dahil may gusto pa akong sabihin.

"..and, hindi ako na inform na matagal na pala ang two months para sayo. And oh, hindi naman sa big deal sakin, hindi lang ako ganun katanga katulad ng girlfriend mo." Tumalikod narin ako kaagad para iwasang maipakita sakanila ang namumuo kong luha sa mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Healed WoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon