Chapter XII
- Freya Alexis Gonzales-Ashfortz -
Point Of View
"KIA!!" Sigaw ko ng makauwi sa bahay. Sa liit ng bahay namin hindi ko makita si Kia, nasaan ba ang babaeng 'yun?
"'Wag ka ngang sumigaw!" Sabi ni Zenwel na sumunod pala papasok sa bahay. Hinatid niya po ako.
"Wala kasi si Kia eh."
"Nandyan lang yun. KIA?" Pagtatawag din niya at sumilip pa sa ilalim ng lamesa. "Kia nandyan ka ba?!" Paghahanap niya pa uli at saka binuksan ang mumunting basurahan. Binatukan ko naman siya, tingin niya sa kapatid ko? Daga? Pusa? Ipis?
"Ouch!" Arte mo!
"Umuwi ka na nga. Ako ng bahala rito." Pagtataboy ko sa kaniya. Alam ko naman kasi na may gagawin pa siya eh. Ayaw niya pa ngang umalis kaso may tumawag sa kaniya at ayun!
Nagmadaling umalis. May problema ata eh.
Naghintay ako hanggang tanghali pero walang Kia na dumating.
AMAZONA MODE OPEN!!!!!!!!!
"May naghahanap sa inyo ni Kia"--henry
"Ate may matandang gwapong lalaki ang nasa bahay!"--kia
Nagflashback sa 'kin 'yung sinabi sa 'kin ni Henry at ni Kia. Hindi kaya nakidnap siya? Nanakawan kaya kami? Hala! 'Wag naman sana. Kawawa 'yung magnanakaw eh, wala siyang masydong makukuha sa 'min. Bigyan ko nalang siya ng alaga. Marami kami nun eh, ipis, butiki, langgam at kung anu-ano pa.
Pero bigla akong kinabahan. Dapat na kaya akong tumawag sa pulis?
Biglang bumukas ang pinto at napalingon naman ako kaagad. "KIA!!" Napasigaw ako at napatayo. "Saan ka ba nagsususuot?" Lalapit sana ako kaso may kasama siya. Isang matandang gwapo gaya ng sabi niya sa phone.
Nakangiti ito na mukhang maiyak-iyak pa. Anong nangyayare?
"Alexis.." Bigkas nung matanda at niyakap ako. Kung buhay pa si papa malamang ganiyan na rin ang itsura niya, kulubot.
Napatingin naman ako kay Kia na parang temang na nagpupunas ng luha kahit wala naman. Mga drama ng batang ito. 'Wag niyang sabihin na nakipagtanan siya sa matandang ito?
"T-teka nga po. S-sino po ba kayo?" Pagtatanong ko naman sabay kalas sa kaniya sa pagkakayap. Naku naman, baka mawala 'yung amoy ni Zenwel sa 'kin. Balak ko pa namang hindi maligo. Sayang talaga.
BINABASA MO ANG
Married To My SLAVE [✔]
General FictionI, Freya Alexis Gonzales, a janitress at Willford Academy MARRIED TO MY SLAVE, Zenwel Ashfortz who actually the brother of the owner of the WA. Isang Janitress na may Slave? At isang mayamang lalaki na naging SLAVE? Parang baliktad ata. Pero hindi...