<Loiu>
Wow! Just wow. Tina?! I can't believe my eyes yesterday. Bakit mo nagawa to sakin?! Mahal mo pa pala yung kupal na yon?!
Pwes. If you wanna play that way, I can play better.
I must find that Gale first.
<Gale>
"oh!" sabi ko habang sinusuntok yung ulo ko papasok ng school. "Gale! Ano nanaman ang pinapasok mo? Ang gulo gulo na ng buhay ko! Dahil kasi sa diary na yun e. Bakit pa kasi?! Masaya na sana ako kahit simpleng buhay lang kahit sobrang boring pero ayoko na ng ganito!!!!"
"anong ayaw mo?" napatigil ako at napatingin sa likod kung saan nang galing yung boses "dahan dahan lang at baka naman ma-dislocate yang ulo mo kakasuntok diyan"
"Loiu?! B-bat mo ako kinakausap?"
"masama bang kausapin kita?"
"h-hindi naman. P-pero kasi a-ano e. B-baka--"
"baka ano? Makita tayo ni Tina at magalit yon? Or baka naman makita tayo ni James mo at mag selos yon?"
"h-huh?"
why is this guy talking to me?! Nag hahanap ba siya ng gulo?!
"manahimik ka na nga lang. You know what? I'll tell you a secret. Basta, promise mo sakin na sikreto lang natin to?"
I just nodded.
"Kasi kahapon.. I saw James and Tina kissing sa bahay nila Tina" bigla akong kinabahan at napatigil sa pag lalakad "oh! Easy ka lang. Wag kang mag wawala diyan, nakakahiya. Hahaha."
"s-so, what are you trying to say?"
"what I'm trying to say is that they still love each other"
"hindi ka ba nagagalit?"
"syempre nagagalit.. Eh, ikaw?"
oh gosh! Ano sasabihin ko?! Nagagalit ba ako? Eh alam ko namang mahal padin niya si Tina e. Alam ko naman yon dati pa kaya na-accept ko na. Pero kasi nasabi ko dito as ugok na ito na kami ni James kaya..
"oo nagagalit din ako."
"bakit hindi naman ata halata?"
"hindi din naman halata yung galit mo e"
"haha. Okay okay. Gusto mong gumanti?"
"w-what?!"
"gumanti. Revenge. Ano? Are you in?"
"no!"
"no? Bakit? Papalipasin mo nalang to? PAg nag sorry sayo si James okay na agad ang lahat? Eh he cheated on you nga diba?"
"I'm going to talk to him first"
"hahaha. Hindi na kailangan yon, Gale. Of course, he won't divulge. Why would he? Diba? He'll deny it"
Hindi ko na alam! LOIU! AYOKO PUMASOK SA GANYAN!!
"teka. Anong revenge naman ang gusto mong gawin?"
"uh.. Well, I was thinking na.. We'll start going out"
"WHAT?! ARE YOU FREAKING SERIOUS?! I CAN'T DO THAT! I WON'T DO THAT!"
"shh huy huminahon ka nga diyan! This is just to prove to ourselves na mahal nila tayo. If they want us back e mahal nga nila tayo, but if they let us do whatever we'll do e wala nga silang pake satin"
"ano bang pumasok sa kokote mo at yan ang naiisip mo?! Wag mo nga akong idamay diyan sa pagiging despereado mo kay Tina!!" I walked out then turned to him once again "and FYI, hindi ako katulad mo na gumaganti sa boyfriend/girlfriend!" then I stormed off
BINABASA MO ANG
Dear Diary
FanfictionIt all starts with one "lost-and-found" notebook and everything changes!!