WIMMFL : This is Me

41 0 0
                                    

My POV

~

Bago ang lahat, gusto ko munang ipakilala ang sarili ko.

Ako nga pala si Elyne Marie Caballero, Ems for short. Simpleng babaeng naka-eyeglasses at nakabraces. Hindi ako maputi, hindi rin maitim.

Ano pa ba aasahan niyo? Oo, mahilig akong mag-aral. Eto nalang kasi libangan at kasiyahan ko simula nung iniwan kami ng Mommy ko.

Well? Huwag na natin siyang pag-usapan yung part na yun. Ayokong maalala muna yon.

May kapatid ako, si Erean Camille pero Camz nickname niya. Actually Ate Camz ko siya, matanda siya ng 4 years sakin. 15 ako, siya 19.

Kami lang tatlo nila Daddy sa bahay kasama yung Nanny namin, si Nay Roma. Siya yung Nanay-nanayan namin. Matanda na din siya pero siguro mga 50-55 years old, mga ganun.

"Ems! Kakain na." sabi ni Ate Camz pagpasok ng pinto ng kwarto ko. Kakatapos ko lang kasing gumawa ng homeworks ko.

"Ayan na ko Ate." sagot ko naman.

Inayos ko lang gamit ko at nilagay sa bag tapos bumaba na ko para kumain.

Pagkatapos kumain, nanood lang kami saglit ng news tapos umakyat nadin ako para magpahinga.

[KINABUKASAN]

"Girl!! Ano ba yan? Wala pa ding pagbabago?" sabi ni Jen na halos araw-araw na niyang sinasabi.

Si Jen nga pala, Anna Jenica Ramirez, bestfriend ko. Classmate ko siya at tanging siya lang ang kavibes ko sa school. Pano naman kasi? Ayaw nila sakin -__-

"Ano naman magbabago Bes? Eto na ko eh. Oo nga pala, samahan mo ko sa dentista mamaya, papacheck ko tong braces ko. Parang may mali eh." sabi ko habang pinakita ko braces ko sa kanya.

"Hays? Makakatanggi pa ba ko? Tara na nga. Maglalakad pa tayo, ba't ba kasi ang layo ng room natin mula dito sa gate?" sabi ni Jen tapos nagcrossed-arms

"Tanong mo kay Maam. Halika na nga!" sabi ko sabay hila at lakad namin.

Habang naglalakad, "Uy Bes, nga pala. Balita ko eh, may transferee. Boy daw eh, sana gwapo no?" sabi sakin ni Jen na parang curious.

"Gwapo gwapo? Pakialam ko sa kanya. Alam mo namang hindi ko feel mga lalaki no!" sagot ko naman.

"Eh ba't ang KJ mo ha? Pakiexplain!" sabi ni Jen na medyo malakas na boses.

"Ewan! Eto na ho room natin. Baka naman pwedeng tumahimik na?" sabi ko dahil di pala namin namalayan na andito na kami sa room.

"Tss. K Bye!" sabi niya tapos pumunta na siya sa seat niya. Syempre, ako din.

Yung totoo niyan, nasa dulong-dulo pa upuan ko. Wala nga ko katabi eh. Kanat at kaliwa pa. Hays. Ayaw nga nila sakin.

Di naman ako nangangain ng tao we. Bakit ba sila ganun? Mukha ba kong aswang or kung ano mang kakaibang elemento sa mundo? Hays. Ewan.

Saktong pag-upo ko naman sa pinakadulong seat ko, pagdating naman ng adviser namin.

When I Met My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon