Hindi naman masamang umasa diba?..
Pero nasaktan ka..
Tapos siya sinisisi mo kung bakit ka umasa..
Pero, ang tanong..
Sinabi ba niyang umasa ka?..
Masarap ang feeling na may ka-MU..
May taong nandyan para sayo..
May poprotekta sayo kahit alam niyang..
WALANG KAYO.
May nagsasabing ..
Ingat ka..
Namimiss na kita..
Kumain ka na?..
At minsan..
I love you..
Pero minsan, naiisip mo na..
Totoo kaya yun? O, seryoso kaya siya?..
Pero mahirap umasa..Kasi baka mamaya..
WALA KA NAMAN PALANG LUGAR SA PUSO NIYA.
Oo, masaya sa pakiramdam pero..
Paano kung pinaniwalaan mo agad yung sinabi niya?
Tapos mamaya, bigla mo nalang nalaman na..
May nililigawan na pala siya..
At ang masaklap pa dun..
Wala na yung dating kayo..
Parang wala ka na sakanya..
Hindi na siya nagtetext..
Tapos ikaw, umiiyak..
Tapos siya naman masayang-masaya..
Minsan kasi, mapagbiro ang tadhana..
Kung kailan masayang-masaya kana...
tsaka niya tatanggalin yung saya mo at papalitan eto ng lungkot...
Pero minsan, kailangan mong tanggapin na....
Hindi talaga siya para sayo..
Baka meron pang ibang taong nararapat sayo..
Yung hindi ka paiiyakin..
Hindi ka pa lulungkotin..
At higit sa lahat..
Hindi ka papaasahin..
Sabi nga ni Bob Ong..
'Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. kaya quits lang..."
O kaya naman..
"kung di ka kayang suklian ng taong minamahal mo siguro ay wala talaga siyang barya kaya wag kang magbigay ng buo.."
Dahil sa problemang 'to..
Natutunan kong mahalin ang sarili ko at...
..Mahalin ng higit pa sa buhay ko ang taong pinapahalagahan ako..
Sa LOVE,
..Hindi mo kailangan ibigay lahat..
Dahil kung mahal ka talaga niya..
...Isang ngiti mo lang. SAPAT na..