All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the Author. PLAGIARISM is a crime.
Note: Any resemblance of person, place or events are purely coincidental.
Copyright © 2013 by ayseyya
~
Annyeong~
This is my 2nd one shot story. So I hope you guys would like this as well. =))
NOTE: THIS IS PURE OF KALOKOHAN OF THE AUTHOR AND MEDYO MANLY NA LUHAN ANG MASASAKSIHAN NYO DITO.!
Enjoy Reading!
~
Kisses from Luhan (One Shot) by ayseyya
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school namin nang biglang may tumakip sa mata ko.
"Guess Who?" Tssk! Tssk! Eto na naman sya (=__=)
"Pwede ba Luhan, tigil tigilan mo nga ko." Inalis ko yung dalawang kamay nya sa mata ko.
"Hi Yzza!" nginitian nya ako ng nakamamatay nyang ngiti. PWEH! As if namang hihimatayin ako sa ngiti nya.
Inirapan ko sya at nilagpasan.
"Yah! Yzza! Ayan ka nanaman eh! Ini-snob mo na naman ako." rinig kong sabi nya. Hindi ko sya pinansin, pinagpatuloy ko lang yung paglalakad ko. Natigil ako sa paglalakad ng hinawakan nya yung braso ko at iniharap ako sakanya.
"Yzza naman, pansinin mo naman ako. Paano mo ako nagagawang snobin? Sa gwapo kong 'to!" kinindatan nya ko.
"Wag mo nga akong kindatan. At anong pinagsasabi mong gwapo ka? HA! nek nek mo!" inirapan ko ulit sya.
"Hay nako Yzza! Sigurado ako na pagnatikman mo yung kisses from me, hahanap hanapin mo yun at mababaliw ka na sakin. Hindi mo na ako magagawang snobin." sabi nya sakin habang naka ngiti. Ngiting abot hanggang langit. (=__=) salaksakin ko bunganga nya dyan eh!
"Anong kisses ang pinagsasabi mo dyan? ASA KA.!" inirapan ko sya for the last time at umalis na. Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang classroom ko.
Umupo agad ako nang makarating ako dun. Pumasik na rin si Luhan (sad to tell you this but classmate ko sya) at umupo sa upuan nya. Maya maya pa'y dumating na yung adviser namin.
"Okay class, Since we all know na papalapit na yung Foundation Day, kailangan na nating mag handa. Yung mga booths. The same parin naman pero may nadagdag na isa. Free Kisses from Luhan booth. Secret pa ang information about sa booth na 'to. Ang info lang na maibibigay ngayon ay, since kaklase nyo si Luhan, at sya ang anak nang nagmamayari nitong Peter Pan Academy, lahat ng girls dito sa section na to ay kailangan makatanggap ng Kisses from Luhan. Whether you like it or not. If ayaw nyo... oh well, zero na kayo sa card nyo. Kung ako sainyo girls, tumanggap nalang kayo ng Kisses from Luhan. Free lang naman sya." sabi ni Ma'am.

BINABASA MO ANG
Kisses from Luhan
Teen Fiction{ one shot + sequel inside } free kisses from luhan. do you wanna have one?