Sa mga pagkakataon na hindi mo na makilala kung sino ka talaga, at sa mga pagkakataon na nilalaglag at nadadapa ka na, bumangon ka. Na kahit para ka na lang hangin na kakailanganin lang sa oras na di sila makahinga, wag kang susuko. Dahil ang lungkot na nananalaytay sayo ay panandalian lamang mawawala. Na dahil ang puot sa puso mo ay palagi mong natatago, wag kang kumawala. Ilabas mo sa pamamagitan ng iyong mga luha. Ilabas mo ang lungkot sa pamamagitan ng mga dating araw habang kasama mo pa sila, Sa mga araw na kumpleto kapa, Wag kang kumawala. Dahil ang pait sa puso mo ay maaaring di mawala. Dahil sa sakit at galit na matagal ng nakatanim sa iyong puso at isipan. PAGISIPAN, Pagisipan mong lumaban.
Lumaban ka sa sakit. Isang sakit na tanging luha mo lang ang makakapag pilt, at tanging kamay mo lang ang maaaring kumapit.Kapag dumating na ang oras na walang wala kana, Kapag dumating na ang oras na gulong gulo kana, kapag dumating na sa punto na pagod ka na, sira ka na, Balewala ka na at durog ka na, Lumaban ka. Pero alam ko, dumating na sa oras ang lahat, pero bakit wala kang magawa sa lahat lahat?
Napakasakit at napakahirap tanggapin na ang taong pinasaya mo at nagpasaya sayo noon, Di ka na kilala ngayon. Pero kailangan mong Tanggapin ang katotohanan na Binago na ng ngayon ang kahapon.- Rconpash ❤❤
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoetryPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.