May 5, 2013
Anthony’s POV
“And now, for our opening presentation, let us all welcome with a big round of applause Xanthe Elementary School’s very own drum and lyre corp!” Ang maligalig na pag-announce ni Ms. Salcedo, isa sa mga kasalukuyang primary school teachers na nagtatrabaho sa ilalim ng aming dating paaralan at siyang nagsisilbing main emcee para sa program na aming dinadaluhan ngayong gabing ito.
Agad na sumunod sa kanyang panukala ang mga manonood na nandoon, at madaling nagsipalakpakan at naghiyawan. Pagkatapos naman ay nagsipasok at nagsipunta na sa kani-kanilang mga pwesto ang mga kasalukuyang miyembro ng drum and lyre corp ng institusyon, na halos isang buong buwan nang tinuturuan at pinag-eensayo ni Nikki, suot-suot ang kanilang mga makukulay at magagarang mga costumes at dala-dala ang kanilang mga batong pang-majorette, mga pom-poms, mga flaglets, mga lyres, mga drums at mga bass drums.
Dagli ko rin namang nakita ang best friend ko dun sa bandang harapan ng quadrangle, na siyang nakatuon ang titig sa kasalukuyang majorette leader ng pangkat. Tumango siya nang konti bilang pagsenyas, at agad-agad ay nagsimula na sa kanilang performance ang kanyang mga dating trainees.
Panay ang hiyawan at palakpakan na nagmula sa mga audience habang isinasagawa ng drum and lyre corp ang kanilang presentasyon, at talagang tutok na tutok sa kanila ang buong atensyon ng halos lahat ng mga taong nandoon. Ang iba pa nga sa kanila’y nagsitayuan pa sa kanilang mga upuan at lumapit sa performance area upang mas lalo nilang mapanood nang malapitan ang presentasyon.
Nakita ko namang may napakalaking ngiting namuo sa mukha ni Nikki habang kanya ring pinapanood ang mga performers, at kitang-kita sa kanyang ekspresyon ang agarang pagmamalaki. Napangiti na rin ako pagkaraan, tunay na masaya para sa best friend ko. Talagang napakaganda at napakahusay ang naging kinahinatnan ng halos isang buwan niyang pagpapagod upang maturuan ang mga trainees, at kitang-kita rin naman sa mga natutuwang mukha ng mga manonood kung gaano sila nasisiyahan sa kanilang naging presentasyon.
Lumipas ang ilang minuto, at nang matapos na ang performance ng drum and lyre corp ay muli silang sinalubong ng napakalakas at napakasayang palakpakan at hiyawan mula sa mga audience. Ang ilan pa nga sa kanila’y nagsimulang mag-chant ng “Encore, Encore!”, ngunit dahil sa magagambala ang schedule ng program kung sakaling uulitin man ang presentasyon ay minabuting ipinagpaliban na lamang ng mga hosts ang kanilang pakiusap.
“Ang galing talagang magturo ni Nikki!” Pagpupunyagi ni Kate, sabay pwesto na muli sa kanyang upuan, napalaki ang ngiting nakalapat sa kanyang mukha nung mga oras na iyon.
“Oo nga e. Kahit na ilang beses ko nang napanood ang mga routines sa kanilang performance dahil sa palagi kong pagpunta sa mga practices nila, ang ganda pa rin ng kanilang naging final presentation. Nanibago pa nga ako kanina habang nanonood e, kasi hindi ko talaga inakala na magiging ganun kagaling yung mga trainees ni Nikki pagdating sa mismong araw ng kanilang performance. Pwede na silang sumali sa mga talent competitions kung tutuusin.” Dagdag naman ni Aaron, nakangiti rin.
Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon sa kanilang mga komento, tila masyado pa ring namamangha at hindi talaga mahanap ang mga tamang salita na magiging sapat upang ilarawan ang presentasyong aming napanood kani-kanina lang. Kahit nga ang ilang mga manonood ay hindi rin tuluyang matahimik sa kanilang mga upuan, halatang nabibighani pa rin sa palabas na kanilang nasilayan katulad namin. Buti naman at natahimik na rin ang lahat pagkalipas ng halos limang minuto, kung kaya’t napasimulan na rin sa wakas ang inihandang programa sa pamamagitan ng panimulang pagdarasal, at kaming lahat ay dagling pinatayo.
BINABASA MO ANG
My Best Friend and I [ TEMPORARILY DISCONTINUED ]
Ficção Adolescente[From Friendship to Love Series Book I] Temporarily discontinued. Storyline to be changed completely. New content to be posted at an indefinite date. HUWAG NA MUNANG BASAHIN. MABIBITIN LANG KAYO. IIBAHIN KO ANG BUONG PLOT NITO. UTANG NA LOOB. HUWAG...