(CALOY'S POV)
Bakit ba natataranta ako? Teka, may bibilihin pa ba ako? Kasi tong si Leona eh!
Pagkatapos kong magbayad, nagmadali na akong lumabas ng grocery. May bibilihin pa ako sa National Book Store. Makautos din kasi. Ano ako? Alipin sa gigilid? Namumuro na talaga yung babaeng yun. Konti na lang talaga yung pasensya ko. Nakuuuuuu! >.<
Sobrang nagmamadali na ako ng biglang napalingon ako ng dalawang beses. Ta--tama ba yung nakita ko? Si Maku ba yon? May kausap sa phone sa tapat ng KFC? Tss. Hindi ko kasi suot yung salamin ko, malala na talaga mga mata ko.
Hindi ko na lang pinansin, nagmamadali na talaga ako, baka mamaya bulyawan na naman ako ng bully na si Leona.
------------------------------------------------
MARKUS: Ha? Bakit?
LEONA: Basta wag mo siyang papapuntahin dito sa bahay niya! Bahala ka na. Bye.
------------------------------------------------
(MAKU'S POV)
*Sigh
Pano yan, kanina sabi niya gusto na niyang umuwi?
Bumalik na ako sa loob. Kinuha ko si Pepsi.
YSABELLIE: Phone ko ba yung ginamit mo? Sinong kausap mo?!
AKO: Hindi ah... Bakit ikaw lang ang may karapatang mag ring tone ng Smells Like Teen Spirit?
YSABELLIE: Nawawala kasi yung phone ko. Hindi ba naiwan sa bahay mo? Ilang araw na rin kasi. At tsaka hindi naman Smells Like Teen Spirit yung ring tone mo e. Closing Time ng Semisonic diba?
AKO: Tara na.
YSABELLIE: Saan? Uuwi na ako nuh?
AKO: Gusto mo bang mabalik sa'yo yung phone mo?
*Tumango siya.
AKO: Eh yun naman pala eh. Tara na!
*C.R.
YSABELLIE: So anong gagawin natin dito?
AKO: Wala. Dyan ka lang, C-C.R. lang ako. Wag kang tatakas. Ikaw din, baka hindi mo na makita yung phone mo.
Iniwan ko muna siya dun sa tapat. Hehe. Ano bang gagawin ko sa C.R.? Iiwan ko lang si Pepsi kay Pete. Nandito pala siya sa S.M.
AKO: Tol, salamat talaga. Pasensya ka na ah?
PETE: Tol, ayos lang. Kasama mo ba siya? Nasan siya?
AKO: Nasa labas. Ang kulit nga, gusto niya na raw umuwi.
PETE: Sus! Parang hindi ka na nasanay sa kanya. Kaya mo na yan tol, good luck.
AKO: Sige tol, salamat.
Lumabas na ako ng C.R. Nakita ko siya nakasandal sa pader at nakayuko. Napahinto ako. Ang sarap niyang pagmasdan habang naghihintay. Paniguradong badtrip na siya. HAHAHA.
YSABELLIE: Oh? Kanina ka pa ba dyan?
AKO: Hindi ah, kakalabas ko lang kaya.
YSABELLIE: Bat ang tagal mo? Naglaba ka pa?
*\:D/
Sabi ko na nga ba eh. Napakamainipin niya talaga. Hinila ko siya papuntang Tom's World.
YSABELLIE: Hoy ano ba?! Nasaan na yung phone ko?!!!
Hindi ako kumibo. Pag dating namin sa loob, bumitiw siya. Ang sama ng tingin niya sakin grabe!
AKO: Pwede bang maglaro muna tayo?