Ika-anim na Hiwaga.
Josefa Eleanor Macabebe:
Lakas pala! Galing mag joke kaya napa-hagulgol nalang akong ng tawa!
"Hahahaha! Lakas ng trip mo Koya! Ako?! Si Josefa na matalino, seksi, malantod ng slight lang at plastik, magiging P.A. mo?! In your nightmare!" Sabay talikod at flip ng hair.
"Hindi ako papayag na maging P.A. mo! Isang matalino, seksi at malantod na si Josefa! No way?!! As in never! Elizalde!" Sabay cross arms.
Sinasabi ko 'yun habang naglalakad sa loob ng kwarto niya. Infairness! Ang lawak nito, at halos white and black lang ang kulay ng gamit. Pang lalakeng pang-lalake talaga.
Nakita ko naman 'yung sofa na pa L na color black, naalala ko 'yung nakita ko kanina. Feeling ko namula ang pisnge ko! Sabay iling!
Mga hudas! Hindi man lang nila nirespeto ang mga magagandang mata ni Josefa! Mga litsi!
"I told you, you can't say 'No' to me Josefa..." Tumaas ang lahat ng buhok sa aking katawan, as in lahat! Chos!
Paano ba naman nasa itaas na ng tenga ko ang mga labi niya, at pa-husky tone na niya 'yung sinabe. Ano ba ito Josefa! Anong sumpa ba ang meron ka at lapitin ka ng mga gwapo at hot na mga bachelors.
"Josefa..." Oh My God! Hoy panty, wag lang malalag-lag, tindihan mo kapit mo, manyakis 'yang lalake na 'yan! 'Wag kang padadala, tatagan mo ang loob mo Josefa!
Bigla akong humarap sa kanya ng nakapikit at nakataas ang mga kamay na naka close fist. "Hinding-hindi ko susuko ang Bataan, magka-matayan na!!!" Ilang segundo akong walang narinig mula sa kanya.
Kung kaya't dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nanlake ang mga mata ko sa gulat, halos isang inch na lang ang pagitan ng aming mga mukha. At kung gagalaw pa ako papa-lapit sa kanya, ay baka mahalikan ko na siya!
Hoy! Josefa, wala ka pang first kiss, mag hulos dili ka diyan!
Kitang-kita kong titig na titig siya sa akin, ni hindi nga siya kumukurap, kitang kita ko naman ang mga mata niyang kulay gold?
Gold na mga mata? Meron ba 'nun! Napakurap ako at tinignan muli ng mabuti ang mga mata niya, kulay itim na itim na ito. Teka?! Malabo naba ang mga mata mo? Josefa?!
Hindi pa rin siya nag-sasalita, ang awkward na. At ng akmang tatalikod na ako sa kanya ay agad niyang hinigit ang isang braso ko, nakaramdam ako ng lamig sa pagkaka-hawak niya sa braso ko.
At kung may anong kumukiliti sa kaloob-looban ko! Ano ba itong nararamdaman ko.
Hoy! Josefa, gumising kana! "Baka naman matunaw ako niyan?! Ba't ka ba titig na titig sa akin ha? Alam kong matalino, seksi at malantod si Josefa kaya no need to-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko.
Because...because he shut me using his reddish, soft lips. Yeah... He's kissing me! Ilang segundo bago na proseso sa utak ko ang ginawa niya. Litsi Josefa! Ano bang nang-yayari sayo!?
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Face Cream ni Josefa. ( #Wattys2017 )
FantasyAng Unfair ng mundo. Bakit ko na sabe ? Paano ba naman, nakaka-inggit at nakakainis 'yung mga tao, especially 'yung mga babaeng hindi man lamang madapuan ng Pimples, kung magkaroon man ay, isa o dalawa lang. (Pasensiya na bitter lang ng slight!) Hus...