You Belong With Me [Chapter 46: Love hurts...]

1.2K 12 9
                                    

Sabine's POV

Ilang dekada na ata ang nakalipas pero hindi pa rin ako makapag-move on sa mga sinabi ni Cyrus sa akin after umalis ni Red. Sobrang bumilis yung tibok ng puso ko at feeling ko malapit na akong mamatay. Nakakainis naman! My gulay!

>backtrack<

Naglalakad na kami ngayon pauwi sa bahay namin. Gusto kong itanong sa kanya yung tungkol sa sinabi niya kanina. Medyo na-hurt naman kasi ako saka di ba bestfriends kami? Wala lang. Na-hurt lang ako.

"O nga pala... bakit ka biglang umalis kanina?"

Naunahan niya pa ako.

"Uhhmm.. kasi...kasi naman! Ikaw ang may kasalanan...parang...parang... wala akong kwenta..."

"Huh?"

Aaaaaaaarrrrrggggghhhhh. Kahit ako hindi ko maintindihan yung mga sinabi ko. Ano ba!? 

"BASTA!"

"Kayo talagang mga babae... sabihin niyo na lang kasi kung ano yung nararamdaman niyo. Ang dami pang pasikot-sikot na dapat daanan. Hirap niyong intindhin."

"Sorry naman po. Kasi naman kayong mga lalaki dapat may abilidad kayong ma-gets kung ano yung gusto naming sabihin. Ang tagal na nating magkakilala pero hindi pa rin ako maintindihan. Hindi mo pa rin yata ako kilala."

Pero ako kilalang-kilala na kita. Mula ulo hanggang paa pati mga paborito mo alam ko. Pero bakit ba ganun? Hindi pa rin yun sapat. Hindi pa rin sapat ang lahat.

"Sabine... nagalit ka ba sa sinabi ko kay Red? Yung tungkol sa hindi niya naman kailangang i-report sa akin kung ano yung mga gagawin niyo?" tapos inakabayan niya ako sabay hinga ng malalim "Sab... paano ko ba ito ipapaliwanag? Alam mo ba kung bakit niya yun sinabi sa akin? Hindi niya yun sinabi kasi nagpapaalam siya sinabi niya yun para ipamukha sa akin na sabay kayong uuwi. Kaya ganun yung sinagot ko sa kanya. Ano naman di ba? Yun lang magseselos na ako?"

EH DI NAASAR NAMAN AKO SA PALIWANAG NIYA! YUN LANG? YUN LANG? >:(

"Ah ganun ba...."

"Saka kaya nga sinundan ko kayo di ba? Akala naman nung Red na yun ganun na lang yun. Asa naman siyang ibibigay kita sa kanya. Umamin na ba yung mokong na yun sayo?"

loading....

loading...

loading...

"Sab?"

"Ha?"

"Kung umamin na ba si Red sayo..."

"Umamin?"

"Na may gusto siya sayo..."

"PAANO MO NALAMAN?"

"Hhhmmmm..."

Tapos hindi na siya nagsalita. Oh my gulay! Hindi niya pwedeng malaman yung tungkol sa little act namin ni Red. Unti-unti nang nare-realize ni Cyrus ang feelings niya para sa akin! I can feel it! Pero hindi pa rin ako pwedeng umamin ngayon. Kailangan ma-realize niya 100%!!!!!!

Tapos hinatid niya na ako sa bahay.

"May balak ka bang sagutin si Red?"

"Siya lang nanliligaw sa akin eh..."

Kahit hindi naman talaga siya nanliligaw. Gusto ko lang malaman reaction ni Cy!

"Tss... sa akin muna dadaan yung mokong na yun. Parang kapatid na rin ang turing ko sayo kaya dapat kitang protektahan sa mga masasamang elemento."

FVCK MY LIFE T__________________________T

I think I'm going to cry. WHAT THE HELL! Ang hirap talagang maging feelingera! HUTAENA!

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon