Chapter 14
//
The next day, hindi ako dumiretso sa classroom dahil pumunta muna ako sa classroom ni Adrian. Hindi ko na kasi siya nahabol kahapon. Masyadong mabilis ang paglakad niya kaya naman agad siyang nawala sa paningin ko.
" Miss, anong kailangan mo dito? " tanong sakin nung babaeng nakatayo sa may pinto.
" Andyan ba si Adrian? " sabay dungaw ko para tumingin sa loob ng classroom nila.
" Adrian! May naghahanap sayo! " sigaw nung babae.
Napausog ako ng kaunti pataliko sa kinatatayuan ko. Bigla kasi akong kinabahan. Bakit nga ba ako kinakabahan eh si Adrian the Devil lang naman toh? Aiish! Ano ba naman 'yan?
" Sino ba yan? " tanong niya dun sa babae at tinuro naman ako nito.
" Hi Adrian. " sabay ngiti ko sa kaniya.
Biglang hihilahin niya na sana yung pinto para saraduhan ako pero napigilan ko ito.
" Adrian. Sorry na. "
" What do you expect me to do? Patawarin ka? " masungit niyang sabi.
" Galit lang ako kahapon. Hindi ko sina--- " hindi niya na ako pinatapos sa sasabihin ko dahil malakas niyang isinara ang pinto sa pagmumukha ko.
Isa lang ang masasabi ko, Aray.
Nagdirediretso na lang ako papunta sa classroom at agad umupo." Eunice. Yung love letter nga pala oh. " sabay ngiti ng bongga ni Leslie.
" Ikaw yung secret admirer ko? " gulat na gulat kong tanong. Bakit siya kasi yung nagbibigay?
" Shunga ka talaga Bhes. Hindi noh! Im a girl you know. " sabi niya with matching maarte-accent.
" Eh bakit nasayo toh? " nagtataka kong tanong sa kaniya.
" Well, nahuli ko na kung sino yung secret admirer mo. " sabay ngiti na naman niya ng bongga. Kulang na lang umabot hanggsang tenga yung ngiti ni Leslie. Talaga 'tong bestfriend ko. Halatang halata na mas kinikilig pa sakin.
" Eh? Talaga? Si-sino naman? " actually, medyo kinikilig na din ako. Mali, mali. Kinikilig na talaga ako. Gusto ko na malaman kung sino yung secret admirer ko.
" HAHAHA! Di ko pwede sabihin. Papatayin daw niya ako. " sabay tawa ng malakas ni Leslie.
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Aventura"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED