Chapter 32 Intensions

637 47 42
                                    

Kai's POV







"Tara na myloves akyat tayo sa kwarto ko." Nakangising aya ko sa kanya hahahaha! Nakataas nanaman ang isang kilay niya. Hinila ko nalang siya paakyat di naman din siya tumutol.

Nandito na kami sa tapat ng room ko. Pipihitin ko na sana yung door knob pero pinigilan niya ko.

"Teka K-kaikai.. Anong g-gawin natin sa kwarto mo?" she's stammering hahaha!

Ngumiti naman ako ng nakakaloko at hinawakan siya kamay.

"Wag kang mag alala magugustuhan mo yung gagawin natin hahaha!"

"Aray! Bat' ka ba nananabunot!" napakamot ako sa ulo ko ang sakit! Sinabunutan ako!

"Kung ano anong sinasabi mo eh!" singhal niya tsk.

"Magugustuhan mo naman talaga eh!"

"Aish!" Akma nanaman niya akong hahampasin pero pinigilan ko yung kamay niya at yinakap siya.

"Easy ka lang mahal ko. Wala naman tayong gagawing masama hehe." di siya sumagot pero naramdaman ko yung buntong hininga niya.






Tuluyan ko ng binuksan yung pinto ng kwarto ko at pumasok na kami.





"Wow! Ang laki naman ng kwarto mo Kaikai." manghang sabi niya habang nililibot ng tingin yung kwarto ko. Simple lang naman ang kwarto ko black ang white motif lang to may isang king size bed at sofa at malaking LED TV sa wall. Konti lang ang gamit kaya medyo spacious nga tignan.




Iniwan ko muna siya don at pumunta sa walk in closet ko at nagpalit ng sweat shirt. Palabas nako ng marinig kong nag strum yung gitara ko. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng mga gitara ko. May tatlong gitara akong naka display sa room ko.

Nilapitan ko siya at yinakap sa likod niya. Medyo nagulat pa siya pero hinug din naman niya yung mga braso kong nakayakap sa kanya.




"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

"W-wala.. Tinitignan ko lang yung mga gitara mo. Bakit hindi ka na tumutugtog pala? Sabi nila Earl dati kang may banda." nagulat ako ng itanong niya yon.

"Uhmm.. Ayaw kasi ni mommy. Hindi daw makakatulong sa negosyo namin yung pag kanta ko." bigla siyang humarap sakin at seryosong tinignan ako sa mga mata.

"Ganon ba? Pwede mo naman ituloy yung pagkanta mo kaikai." Parang nagaalala siya sakin. Ang cute niya talaga.

"Ikaw nalang ang kakantahan ko sa ngayon mahal ko." nakangiti kong sabi sa kanya saka hinila siya sa mga bisig ko at yinakap. Hinalikan ko siya sa buhok niya. Mga ilang minuto din kami sa ganong pwesto nung bumitaw siya.

"Anong gagawin natin KaiKai?" tanong niya.

"Oo nga pala muntik ko na makalimutan. Movie marathon tayo!" masayang sabi ko saka lumapit sa TV at ini ON iyon.

"Yay! Gusto ko yan! Yung horror ha!" Napatigil ako sa pagkalkal ng lalagyan ng mga DVD's ko sa sinabi niya. Nilingon ko siya.

"Bakit horror? Wala akong horror dito eh." sabi ko sa kanya. Ayoko ng horror tsk.

"Ganun? Gusto ko kasi ng horror Kaikai." biglang nalungkot yung itsura niya at umupo sa sofa. Haist! Ano ba yan! Tsk. Tumayo ako at ini ON muna ang Aircon. Nakita kong napaakap siya sa sarili niya naka sleve less nga pala siya. Malakas pa naman ang Aircon ko dito sa kwarto.

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon