Rina's POV
Ilang araw narin mula nang malaman kong boardmates kami ni Jade. Unti-unti nadin akong nasasanay na nakikita siya na tumatambay sa harapan at madalas ay nakakasabay kong maglakad papuntang school.
Meron pa ngang one time nakita ko siya with a girl. Akala ko typical lang na kaibigan niya but at the same time I seem to doubt it kung girlfriend niya ba. I mean, she is not the one I imagined he would be drooling over. Yes, she is gifted with height and maybe a quite genius but basing on her looks, she probably is his friend.
Alright, alam ko! I am overthinking again. Sino nga naman ba ako para mag judge diba? Ano bang malay ko sa history nila. And why am I thinking about them anyway? I sighed pushing my thoughts away.
Andito nga pala ako sa school ngayon waiting for our Professor to send us at the Library kasi may activity daw kaming dapat gawin dun. Ang tagal nga ng instructions niya eh. Nabuburo na ako!
After few minutes...
He gave us a copy of the assigned task and let us go inside the library. It's not a large and welcoming library. I even thought we went in a wrong way. Ang liit kasi ng space at bukod pa doon, konti lang yung libro at mainit sa loob. Halos siksikan na ang mga estudyante sa mga lamesa. Even the E-Library or the Internet section is full. Buti nalang di na namin kailangang umupo dahil sa tingin ko ay wala din namang bakanteng upuan para sa amin.
Moments later...
Nagsimula na kami maglibot para sa task namin.
"May nahanap ka diyan Rina?" tanong ni Cheyne na partner ko. Naghiwalay kasi kami para mabilis. Umiling ako bilang tugon. Di na ako nag-abalang magsalita pa.
My partner heaved a sigh as soon as she reached the other end of the corridor of the library. Probably tired of searching for the item of the book included in our professor's list for us to find. Yes, you are right! We were tasked to look for the books in this hot library.
"Baka naman kasi wala dito itong mga libro?" Si Cheyne parin at may halo nang iritasyon ang boses.
Tumutulo na yung pawis ko habang naglalakad... At malas nga naman at naiwan ko sa bag yung panyo ko kamamadali pumasok kanina dito. Panay na ang reklamo ni Cheyne nang nakailang ikot na siya ay di pa din niya makita ang hinahanap.
Ako din ay halos mag give-up na. I'm tired and exhausted! Lalabas na sana ako ng mapansin ko ang pamilyar na mukha sa di kalayuan. Nakatungo ang ulo at mukhang seryong seryoso sa pagbabasa ng libro. Nag-iisa lang ito. I confirmed it first kung tama ba yung nakikita ko. Then, I was right! He really is! Siya nga talaga si Jade. Ayaw ko sana siyang gambalahin kaso kailangan na talaga naming makita yung hinahanap namin kasi kating-kati na akong lumabas dito.
Ilang beses akong bumuntong hininga bago lumapit sa kanya. Nanginginig ang tuhod ko sa di malamang dahilan. Paulit-ulit ko ding binubulong sa sarili ko na "Kaya mo yan Rina. Ano ka ba? Bakit ka ba kinakabahan? Hihingi ka lang naman ng tulong sa kanya eh." It's as if a motivation to come near him.
Pero ang kabilang side ng utak ko kumokontra at puno ng nega, "Hihingi ng tulong bakit close ba kayo?" Kaya napaatras na naman ako bago tuluyang makalapit sa kanya. Halos magmukha na akong nagpa-practice ng dance dito dahil sa pag aatras abante ko.
"Eh ano lang naman yung magtanong diba?" – ayan na naman po at nagkukusang nag-aaway ang utak ko. Akala mo may debate competition!
In the end, hinayaan ko na ang negative thoughts at lumapit na sa kanya.
"Hi!" Bati ko na nakapagpalingon sa kanya. Nakatalikod kasi ito sa akin kaya hindi siguro niya ako nakita. Lumingon siya to look who I am. At parang may nakita akong gulat na bumalot sa mukha niya ngunit saglit lang ito. He stand to face me leaving the book and a piece of paper on the table.
"Hello." Bati niya pabalik. I was about to say something but I couldn't find my tongue. As if nakatali ito kaya di ko maapuhap ng sasabihin. Aba! Bakit ngayon pang may kailangan akong tapusin? May sumilay na ngiti sa gilid ng labi niya and I felt shy. "Mag-isa ka?" he asked habang kinukuha ang binaba niya kaninang papel at libro.
"N-no. I'm with someone. A classmate." Tanging nasagot ko. Pero di ko natago ang kaba sa boses ko.
"May kailangan ka ba? Anything I can help you with?" Mahina pero seryoso niyang tanong. This time he is looking directly into my eyes. Mabilis akong nagbawi ng tingin. Baka mamaya may makakita samin. Iba pa isipin.
I gathered myself together before answering him. Nadidistorbo kasi ako sa mga tingin niya. Although, I know he's just being nice and friendly here. Ako nga tong epal na umistorbo sa pagbabasa niya eh. Pansin ko kasing nagrereview ata siya kanina.
"Nakakahiya naman. Pero... Ahm, yes. I... ah... I'm actually looking for some books." Sabi ko ng nakatingin sa ibang direksyon. Di ko kasi alam ang dapat kong iakto gayong nasa harapan ko lang siya. Don't get me wrong huh? I am just uncomfortable around with him beside me. Lalo pa at maraming tao ngayon dito sa lib.
"Ah... Ano bang klaseng libro yun?" He asked.
"Kanina pa kasi kami naglilibot at naghahanap dito eh." I said as I gave him the list. He stared at it then gave a slight smile. Medyo nasanay na ako sa mga ngiting yan. He always wear that smile which makes his aura becomes brighter.
"Madali lang tong hanapin. Halika at tulungan na kita." He said kaya naman sumunod na ako sa kanya sa paglalakad. Pagkatapos ng ilang sandali ay pinulot na niya isa-isa ang mga libro na parang kabisado na niya kung saan nakalagay ang mga ito. Nahiya tuloy ako sa kanya.
In the end, natapos kami before lunchbreak. I was grateful to see him here and helped me look for the books. Ngumiti ako ng tipid at nagpasalamat. He just nod and said "No problem. Anytime." Hudyat na yun para kami'y umalis.
Pero bago pa kami tuluyang umalis kasama ang partner kong si Cheyne, he spoke again. "Do you still have a class?"
Napaisip ako at inalala ang schedule ko. Wala na pala akong klase after this. I turned to him at umiling. "None. This is my last." Sagot ko na para bang di niya nakita ang pag-iling ko. Nakita kong lumiwanag ang mukha niya. "Why?" I asked him back.
Natagalan bago ito umimik.
"Can I join you for lunch?" Yan ang huli kong dinig na sabi niya. Di ako nakapagsalita agad. Tama ba ng rinig ko? He's asking me for lunch? OMG! Anong isasagot ko?
________________________
Hi #SMNReaders! How do you assess the update? Hope you liked it.
BINABASA MO ANG
Say My Name
Tiểu Thuyết ChungRina Carmen met a man during her college. A man whom she thought will fulfill all his promises. A man who can let her feel butterflies in her stomach everytime he says her name. They fell in love and their dreams started to change believing that th...