[Peace offering ko kay Star. Idol, sorry may pagka-Hyper ako 'nong mga oras na 'yon. ^o^~V ]
The Fate of Destiny
"Ruira! Hindi ako papayag! Ililigtas ko siya, ililigtas ko siya."
"Troy! Ni hindi ka mo nga makayang talunin sila tapos ililigtas mo siya? Impos—"
"TTTTRRRROOOOYYYY!!!!!!!!"
Biglang nasagasaan si Troy ng isang truck at ligong-ligo ito sa kanya mga sariling dugo. Hindi makapaniwala si Ruira sa mga nangyari, si Troy. Troy is dead.
"T-troy..." iyak ni Ruira. Umiling-iling pa ito na para bang ayaw gawin ang nasasa-isip marahil siguro'y napapaligiran na sila ng tao ngayon.
"UMALIS KAYO!!!" sigaw nito na kahit naliligo na si Troy sa kanyang sariling dugo. Nagulantang ang lahat ng biglang may nagliwanag mula sa dibdib ni Ruira.
"Dakilang manunubos, bigyan mo ulit kami ng pagkakataon. Isinasamo ko sa'yo ang aking kahilingan." at hayun na nga. Biglang nawala na parang bula sila Troy at Ruira kaya't naiwan ang mga tao sa kanilang paligid na may halong pagtataka. Parang may mali yata.
Nagtagumpay si Ruira. Naibalik niya si Troy mula sa nakaraan. Panahon kung saan bago siya maaksidente, panahon kung saan hindi pa siya nasasagasaan. Panahon upang baguhin ang hinaharap, panahon upang itama ang lahat.
"H-hindi maaari..." sa wakas nagkamalay na rin si Troy.
Nandito sila sa may bahay niya at ang oras? Dalawang oras bago mamatay si Troy. Maya-maya pa't nagkamalay na rin si Ruira.
"Na-nasaan ako? S-sino ka?" pagtataka ni Ruira na halos ikakunot ng noo ni Troy.
"Di mo ba ako natatandaan Ruira? Si Troy 'to. Teka, di mo ako natatandaan? Diba ikaw ang nagbalik sa akin dito sa nakaraan? Namatay na ako dapat Ruira kaso b-binalik mo ako dito." habang sinasabi ni Troy ang huli niyang nailabas sa bibig, halos napatakip ito ng bibig dahil sa hindi niya maipaliwanag at dahil na rin sa hindi ito makapaniwala sa mga nangyayari.
"Baliw ka ba? Wala akong matandaan, saka ako? Ibabalik ka dito? Sino ka ba? At Ruira?" tanong ni Ruira.
"Eh? Ako si Troy, Ruira. Ruira ang pangalan mo, iniligtas mo ako mula sa kamatayan. Di mo ba natatandaan? Nag-aagaw buhay na ako dahil nasagasaan ako ng isang truck tapos nagulat na lang ako dahil nandito ako sa nakaraan yata. Ikaw gumawa 'non Ruira! Ikaw!" galak na galak na sinabi ni Troy na halos ikinagulo na pag-iisip ni Ruira.
"Baliw ka na ba?" tanong ni Ruira. "Alam mo di kita kilala tapos kung ano-ano pa ang pinagsasasabi mo. Maiwan ka na nga dyan." aalis na sana si Ruira kaso nahawakan ito ni Troy.
"Ruira..." sabi nito. "H'wag kang umalis, tulungan mo akong tulungan siya." halos pagmamakaawa nito.
"Siya? Baliw ka na talaga, takas ka sa mental ano?" asar ni Ruira kaya nagpatuloy ito sa paglakad.
"RUIRA! Nagmamakaawa ako. Tulungan natin si Ashnea. Ruira samahan mo ako para tulungan ang taong mahal ko." halos mapaluhod na si Troy sa harapan ni Ruira dahil sa pagmamakaawa nito. Samantalang si Ruira ay wala pa rin talagang alam sa mga nangyayari.
Bumuntong-hininga muna si Ruira bago nagsalita. "Oh siya kahit na wala akong maalala tutulungan kita. Kahit na puro kabaliwan ang sinabi mo tutulungan kita. I'll help you." dahil sa sinabi ni Ruira, ito ang naging dahilan upang ikatuwa ni Troy at yakapin ito. "Thanks."
BINABASA MO ANG
The Fate of Destiny [One-Shot]
RomanceDreaming is believing; seeing is deceiving. What will you do to the Spiral of Fate? Will you able to change the fate? Or just settled it with your faith? [The Fate of Destiny] ®ClicheBoy