Foreign Feelings
"Huh?!"
Gusto ko mang tumingin sa kanya ay hindi ko kaya. Naroon pa't nararamdaman ko ang pagtitig nya sa likod ko. Maaya-maya pa ay narinig ko ang malalim na paghinga nya.
"Just... just fix yourself. You might catch a cold." ani nya. "My room is on the left side, the black door." tinanguan ko na lang sya.
Habang papunta ako sa kwarto nya may nakikita akong mga painting na nakasabit sa mga pader. Tapos sa pinakadulo ay may isang malaking painting ng isang pamilya. Nilapitan ko ito at sinuri. May isang matandang babae na pinaggigitnaan ng isang lalaki at babae. At may nakaupong batang lalaki sa kandungan ng matanda. At may isang batang lalaki na nasa tabi nung babae. Pinakatitigan kong muli ang dalawang batang nasa picture. It's Hendrick! Pero...
"What are you doing?"
Halos tumili ako sa ginawang yun ni Hendrick. Sapo ko pa ang aking dibdib sa pagkagulat. Nang makarecover ako ay matalim ko syang tinignan. At tinaasan nya lamang ako ng kilay. Napa-ismid na lang ako at diniretso ko na patungo sa kwarto nya. Bago ako pumasok ay nakita ko ang paglaglag ng panga nya.
I roamed my eyes to see the whole place. It's all black and white. Lahat ng furnitures sa loob ng kwarto nya ay puti. But the black ones were just the curtain and the sheet covering his queen sized bed. May dalawa ring pintuan na hindi ko alam kung anong nasa loob nito. Napayakap ako sa sarili ko nang makaramdam ako ng lamig. Napatingin ako sa bandang likuran ko nangmakita ko na nakabukas ang aircon.
I decided to clean myself. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako. Only to see Hendrick sitting at the end of his bed. Mukhang kanina pa sya dito sa loob. Napansin naman siguro nya ako kaya tumingin sya sa gawi ko. Napalunok ako ng titigan nya ako. Sumuko na ako dahil hindi ko kaya ang intensidad ng kanyang mga mata.
"Don't go downstairs, nandyan si Mang Senyo."
Mas lalo akong kinabahan sa paraan ng pagtitig nya sa mukha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Lalo pa't nakakapanghina ang mga titig nya. Napaatras ako nang lumapit sya sakin. He's just five inches away from me.
"Sleep if you're tired."
Napapikit na lang ako sa harap nya. He's at it again. His minty breath lingered on my nostrils again. Fuck! Napamulat na lamang ako ng marinig ko ang pagsarado ng pinto. I released a long, deep breath. Fuck Hendrick! Lagi na lang akong natatameme sa kanya.
Basa pa ang buhok ko kaya ayaw ko pang matulog. Pero ang maamoy ang kanyang bango ay parang gustong ibagsak ang sarili ko sa kanyang kama. It's like his scent is tempting me. More like he's tempting me. Lumapit na lang ako sa aircon at pinatay ito. I like the fresh air than that. Tinungo ko ang bintana at binuksan ito. Ang hinihipang kurtina ng hangin ang nakakapagpaantok sakin.
Napagdesisyunan ko na lang na humiga sa kama ni Hendrick. Hindi ko mapakawalan ang ngiti ko. Ni hindi ko rin alam kung para saan ang ngiting yun. Tumitig na lang ako sa ceiling ng kwarto ni Hendrick. Naalala ko ang nangyari kanina. All I witnessed from Hendrick is a first. Hindi ko alam pero sa lahat ng iyon ay nakatulog ako sa pag-iisip.
Naalimpungatan ako ng magvibrate ang phone ko sa aking ulunan. Must be Klein or Cleo. I checked my phone to see who texted me. And it's Klein.
Klein:
I'll be gone for two days, cutie. Thorin might be back tomorrow. Enjoy at Hendrick's.
Napangiti na lang ako sa mensahe nya. Klein, I am so thanking you for these. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng makina. Dumungaw ako sa bintana at nakita ko ang isang 4×4 pick-up. Nakita ko si Hendrick na sinalubong ito. Napatingin ako sa orasan at nakita kong alas tres na pala ng hapon. I should prepare a snack for him.
BINABASA MO ANG
Urielle ( B&D Series #1 )
General Fiction𝙟𝙪𝙨𝙩 𝙖 𝙥𝙚𝙖𝙘𝙚𝙛𝙪𝙡 𝙫𝙖𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙩𝙪𝙧𝙣𝙚𝙙 𝙞𝙣𝙩𝙤 𝙪𝙣𝙚𝙭𝙥𝙚𝙘𝙩𝙚𝙙 𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩𝙨.