Noong Araw ng patay, nakaramdam ako ng kababalaghan, gabi na nun at nasa baba ako mag-isa
Basahin niyo mag isa nang nakapatay ang ilaw :) para masaya paganito :D
Noong hindi ako nakapunta ng pancheon, para dalawin ang aking maHal sa buhay, para bang naninindig ang mga balahibo ko tas, pawis na pwais ako, tila bang nababalutan ako ng takot. Noong nakaupo ako sa Hagdan para maglaro sa tablet, para bang nakakapangilabot ang ihip ng hangin, papunta sa pinto.Maya't-maya'y biglang sumara ang pinto, para bang may bumagsak na mabigat na bagay. Ilang sandali lamang nung umakyat ako para tignan ito ay biglang bumukas ang pinto kahit wala namang tao sa paligid para magbukas. Pagoasok ko ay biglang sumara ng dahan-dahan kahit di ko naman isinara ito. Nung ipinagpatuloy ko habang naglalaro ko. ay para bang may nakatingin sa akin habang naglalaro ako. nung una , hindi ko muna pinansin ito. at ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Nung sinubukan kong magselfie para pang DO sa facebook ay parang may nakatingin sa akin sa likuran ko, parang may gustong ipahiwatig na gusto niyang humingi ng tulong ko. Pero di ko nalang pinansin, pero yung totoo nagdadasal na ako ng prayer for the poor souls noong oras na yun.
Maya't-maya parang may nagbukas ng pinto n para bang may lumabas kahit wala namang tao, siguro may kasama sya yung kapatid nya na mas malaki sa kanya pagkaharap ko nakita ko yung bunganga nya na nakangiti :( alam kung nakatitig sila sa akin. Simula nun gusto ko nang tumulong sa mga kaluluwa na humihinhi ng dasal.