Maari ba muna natin tong pagusapan
Sa dami-rami na nang ating pinagdaanan
Pinatunog na naman tong kantang to. Kahit ilang beses ko nang narinig, hindi talaga nakakasawa. Ang sarap sarap pakinggan. Senti mode na naman ako neto.
Ngayon mo pa ba maiisipang isuko
Ang lahat ng ating pinagsamahan
Masikip sa damdamin
Hinigop ng hangin ang lakas
Pinanghihinaan ng wagas
Pwede bang pagisipan
Huwag ka munang lumiban
Baka sakali na ito ay masalba pa
Eto na. Naalala na naman kita. Naalala ko na naman tayo. At bigla bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Pang-ilang beses na ba ito?
Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati
Bigla bigla nalang akong matatawa o mapapangiti sa twing maaalala ko kakulitan natin noon. Sa sayang binigay mo sa akin. Sa pagmamahal.
May pag-asa pa ba
Kung susuko ka na
Larawan mo ba'y lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama
Damdamin mo tila'y napagod na
Hindi ko inakalang hahantong tayo sa ganito. Yung susuko tayo sa isa't isa. Nalinlang din pala tayo nang forever nayan. Pano nalang ang mga pangarap at pangako natin sa isa't isa?
Ikaw at ako ay alaaala nalang
Kung susuko ka na
Masakit. Masakit at mahirap malaman na napagod kana. Sumuko kana. Sabi mo kakayanin natin, pero bakit ganito? Nangyari nalang isang araw na sumuko ka. Sinuko mo kung anong meron tayo.
Ano pa bang magagawa ko? Kakapit pa ba ako kung ang isa ay bumitaw na? Siguro tanging pag-suko at pag-let go nalang ang magagawa ko. Life must go on, andito man siya o wala.
Biglang tapos ng kanta. Wala akong marinig, ang naalala ko lang ay may isang malaking trak na sumalubong sakin. Nanghihina na ako. Mamatay na daw ako? Ang hindi nila alam matagal nang nangyari yun e.
Matagal nang namatay ang puso ko.
Siguro nga oras na para sumuko at harapin nalang ang mga mangyayari. Eto na ang tinadhana sakin, siguro naman matatahimik na ako. Hanggang sa nagdilim na ang paningin ko.
Sana maging masaya ka, mahal pa rin kita kahit alam kong hindi mo na ako mahal.